OPERATION 138- Humanda sila

325 9 0
                                    

Author's Note:

Short lang kasi baka sa susunod na mga chapters ay mahaba na. BAKA lang ah. 

Mehehe~

Salamat nga pala ulit sa mga nagbabasa. Pagtiyagaan nyo na lang ulit ang sabaw kong ideya. Mehehe~

_____________________________________________________________________________

OPERATION 138- Humanda sila

Misty’s POV

“Mishty, kumain ka na oh, shige na naman.”

Hindi ko tinapunan ng tingin si Liam na kanina pa ako inaalok kumain.

“Mishty naman.” Umupo si Liam sa tabi ng kamang hinihigaan ko. “Malalagot ako kay Leander kapag hindi ka na naman kumain. Kahapon ka pa hindi kumakain. Baka magkashakit ka nyan.”

Muli, hindi ko na naman sya pinansin.

Narinig kong nagbuntong hininga sya bago humiga sa tabi ko. Niyakap nya ako at pinunasan ang luhang kanina pa tumutulo sa mga mata ko. “Shabi ko naman sha’yo, Mishty mag-ingat ka. Dapat iningatan mo ang pusho mong wag mainlove sha iba. Hindi ka shana nagkakaganyan.”

Napatingin ako sa kanya. “Nasasabi mo ‘yan kasi wala ka sa sitwasyon ko. Wala kang alam kaya wag mo akong sabihan ng ganyan.”

Oo, alam kong ako talaga ang mali. Sa aming tatlo nina Leander at Andrei, alam kong ako ang nasa mali. May boyfriend na ako at nakuha ko pang magmahal ng iba. Napakasama ko, alam ko. Pero kahit gaano ako kasama, marunong din naman ako masaktan.

Namayapa sa amin ang matagal na katahimikan. Mas maganda nga ito kesa sa dumaldal pa ng dumaldal si Liam. At least, makakapagdrama ako ng mas maayos.

Pero mali pala ako. Inakbayan ako ni Liam at ipinilit nyang ipilig ang ulo ko sa mga balikat nya. “Mishty, shiguro nga wala akong alam pero nandito lang ako. Kaibigan mo ako at handa akong making sha lahat ng mga kadramahan mo. Shabihin mo sha akin lahat ng iniiyak mo kashi ‘yun lang naman kaya kong gawin para sha’yo e. Pashensha na ah? Wala ako nung kailangan mo ang tulong ko.” Bulong sa akin ni Liam kaya lalo ako napaiyak.

“Liam …” Iyak ko. Eto ang matagal ko ng kailangan. Isang taong mapagsasabihan ng lahat ng pinoproblema ko. Gusto ko ilabas lahat ng sakit na naipon sa dibdib ko kasi sobrang bigat na. Sa sobrang bigat, hindi ko na yata kaya.

“Sssh shige iiyak mo lang ‘yan. Lilipash rin yang shakit na ‘yan. Pero eto lang ang shashabihin ko sha’yo, shana ngayon, tama na ang deshishon mo. Nagkamali ka na ngayon pero shana huli na ‘to. Wag ka ng gumawa ng mga bagay na makakashakit sha’yo. Pati ako nadadamay.”

Agad kong pinalo ang dibdib ni Liam. Okay na e biglang sablay ‘yung huling linya nya.

“Niloloko lang kita, Mishty babe. Mashado ka kashing sheryosho e. Alam mo namang ayokong nakikita kang malungkot kasha nalulungkot rin ako.” Nagpout sya kaya napangiti ako.

Niyakap ko ulit sya. “Salamat, bestfriend. Buti na lang nandito ka. Medyo gumaan ang pakiramdam ko.”

“Tsss. Shinashabi ko na nga ba e! May HD ka sha akin!” Tinanggal nya ang pagkakayakap ko sa kanya at mabilis na bumangon. “Hindi tayo pwede, Mishty. Sheryosho ako kay Ree.”

Binato ko ng unan si Liam. “Duh? As if naman gusto kita?! I’m torn between Leander and Andrei na nga tapos idadagdag pa kita? Mag-isip ka nga!” Tumayo ako at hinawi ang kurtinang nagpapadilim sa kwarto ko.

Nasilaw ako sa liwanag. Grabe, ngayon na lang ako nakakakita ng liwanag. Ilang araw na kasi akong nagkukulong sa kwarto matapos ng huling pagkikita namin ni Andrei.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon