OPERATION 108- Start

504 10 3
                                    

Jesse sa side ------------------------>

____________________________________________________________________________

OPERATION 108 – Start

Misty’s POV

Maaga akong gumising para maghanda ng breakfast namin. Yup, hindi kayo nagkakamali. NAMIN. Breakfast namin ni Jessica. Tinawagan ko pa talaga si Liam para magpaturo kung paano magluto. Wala naman kasi akong alam iluto kundi hotdog e.

Nagtaka pa nga si Liam kung bakit raw ako nagpapatulong sa kanya e sanay naman daw akong magluto ng hotdog sa breakfast. Sinabi ko sa kanya ang real reason kaya walang imik-imik ay binigyan nya ako ng instructions.

Sinabi ko kasi kay Liam na kilala ko na ang Dark Moon. Na ka-room mate ko ang kapatid ni Jesse Chantengco na leader ng Dark Moon (hula ko lang) at gustong-gusto akong maging kaibigan nito.

Natuwa si Liam sa ibinalita ko at sinabing eto na raw ang start ng revenge namin. Napangiti ako sa ideya na ‘yun. Magandang simula ito dahil sa simula pa lang, may magagamit na ako.

Si Jessica.

Akala ko wala syang silbi sa akin pero yun pala, malaki ang silbi nya kaya ngayon e kailangan kong maging mabait sa kanya.

“M-Misty?” Agad akong napalingon sa kakagising na si Jessica. Nakatayo na sya sa tapat ng kama nya at mukhang nagulat dahil may instant breakfast in bed na sya.

“Good morning, Jessica!” Lumapit ako sa kanya. “Okay ka na ba? May masakit pa ba sa’yo?”

“O-okay na okay na ako, Misty.” Masayang sabi nya sa akin at tinuro ang tray na nasa table katabi ng mesa. “Para sa akin ba ‘to?”

Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango. “Sorry gift ko yan sa’yo kasi ang rude ng behavior ko sa’yo since day one. Hinika ka pa dahil sa akin. Sorry ha? Wala kasi ako palagi sa mood dahil namimiss ko ang parents ko. Sorry kung ikaw palagi ang napagbubuntungan ko ng inis. Sorry talaga.” I wear my apologetic face to make my act so convincing. Sorry Jessica pero kailangan kitang lokohin for the sake of OUR happiness.

“N-naku Misty. Wala sa akin ‘yun. Naiintindihan kita. Ganyan rin ako nung pumasok rito. Don’t worry hindi ka na mahohome sick kasi nandito naman ako e. Ikaw ata ang bestfriend ko.” Niyakap nya ako ng mahigpit.

“T-talaga, Jessica? Ibig sabihin ba nun, bestfriend na rin kita?”

“Oo naman, Misty. Magbestfriend na tayo simula ngayon ha?” Humarap sya sa akin at kitang-kita ko sa mukha nya na masaya sya.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Sabay kaming kumain ng breakfast. Nagkwentuhan kami about her family.

“Kami lang ni kuya Jesse ang magkapatid. Isang taon lang ang tanda nya sa akin. Si Mommy at Daddy nasa States kaya kami na lang ni kuya ang naiwan dito.”

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon