OPERATOR 123- Eclipse
Misty’s POV
Natauhan ako sa ginawa ko nang kinuha ni Andrei ang payong ko na nabitawan ko na pala. Agad akong humiwalay sa kanya at tumingin sa ibang direksyon. Narinig ko pa syang tumawa pero mahina lang naman.
Pero kahit pa! Nakakahiya. Bakit ko ba kasi sya niyakap? As in, why the hell did I hug him? Am I out of my mind na ba?
Ang galing nya kasi mangonsensya e. Sinabi nyang buong araw syang naghintay sa akin. I mean, nakakaguilty naman kasi talaga. Ilang oras syang naghintay though hindi ko naman sya sinabihan maghintay and it’s raining hard talaga maghapon. Kahit ganito naman ako, I do have clean and clear conscience.
Hindi na sya umimik nun. Basta nya lang hinawakan ang kamay ko at pinayungan ako pabalik ng girls’ dorm. Ang galing nga e. Hindi ako pinagalitan kahit 10pm na ako nakauwi. Nakita kasi nung facilitator na si Andrei ang kasama ko. May maganda rin palang dulot ang pagsama ko kay Andrei.
“Don’t you dare to do that again.” Sabi nya nang makarating na kami sa tapat ng room ko.
Kumunot naman ang noo ko. Anong that ang tinutukoy nya?
Tila nagets naman nyang hindi ko alam ang tinutukoy nya kaya tinuro nya ang CCTV camera sa itaas na corner ng hagdan. “Wag ka ng tatakas. Kung aalis ka, magpaalam ka sa akin. I was freaking worried about you. Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo. Bigla ka kasing nawala. Buti na lang at nakuhaan ka ng CCTV.” Seryoso nyang sabi.
Damn! Hindi ko alam na may CCTV dito sa dorm. Buti na lang at hindi sa main door dumadaan si Leander kundi lagot na.
“Get rest.” Binuksan nya ang pinto at tinulak ako papasok sa kwarto. Bago ko pa tuluyang masara ang pinto, agad syang pumasok at humarap sa akin.
“No one is watching.” Sabi nya sabay sarado ng pinto.
“Ha?” Kumunot ang noo ko. Hindi ko sya gets.
Bahagya nyang sinilip si Jessica na tulog na tulog saka binalik ang tingin sa akin. Tinuro nya ang kanang pisngi nya. “Kung nahihiya ka na may makakita sa atin kagabi, siguro naman ngayon, pwede na.”
Agad na nagsink in sa akin ang pag-iinarte ni Andrei sa harap ng dorm kagabi. Namula naman ang pisngi ko nang marealize ko na humihingi sya ng kiss.
Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. I don’t like to kiss him. Mamaya dahil sa kiss ay ayain na ako nito magpakasal. Who knows baka magdefend na naman sya about second kiss.
I heard him sighed. “I think this would do.”
Mabilis nya akong hinalikan sa pisngi. “Utang mo kahapon.” Dagdag pa nya sabay smack sa lips ko.
Natulala lang ako sa ginawa nya. Para syang si The Flash. Sa sobrang bilis nyang kumilos, hindi ko namalayang nakalabas na pala sya ng pinto.
Maaga akong nagising para pumasok. Kailangan ko kasing kumopya ng assignment sa mga kaklase ko kung sakaling meron. Hindi kasi ako nakapasok kahapon at ayoko namang dahil sa pag-absent kong ‘yon ay hindi ako makapagpasa.
Nang makapasok na ako sa room, nagtaka ako dahil hindi na ako binati ng mga kaklase kong lalake. Pagkapasok na pagkapasok ko, nag-iwas sila ng tingin lahat. Maski babae, iwas rin sa akin lalo na ‘yung mga insecure kong kaklase na palagi akong iniirapan pagpapasok.
Weird.
Anong nangyari sa kanila?
Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at umupo sa dati kong pwesto.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.