OPERATION 120- That settles the issue

352 7 23
                                    

Maagang update dahil hindi ako makakaupdate mamayang gabi. Magrereview kasi ako dahil may hard core exam kami bukas. 

I tried na mag-update ng dalawang chapters pero isa lang ang nakaya ko dahil biglang sumabaw ang utak ko. Mehehehe~

Bukas na lang siguro ulit.

_____________________________________________________________________________

OPERATION 120- That settles the issue

Misty’s POV

Masama na naman ang tingin ni Andrei sa akin nang sinabi ko ang nais kong iparating sa kanya.

“ARE YOU OUT OF YOUR MIND? ” Tumalikod sya sa akin at kitang-kita ko kung paano sya umiling.

“Of course not. Baka ikaw ang out of your mind.” Umirap na rin ako ignoring his sexy back.

Ako pa ang wala sa sarili e sya kaya ‘yun. Girlfriend na raw nya ako? Baliw ba sya? E may Leander kaya ako.

Humarap sya sa akin at pinanlisikan ako ng mata. “WHERE THE HELL CAN YOU FIND A GIRL AND A GUY KISSING WITHOUT ANY RELATIONSHIP? SABIHIN MO NGA?”

Napatakip ako ng tenga sa lakas ng sigaw nya.

Sus! Relationship lang naman pala ang tinatanong nya e.

“Andrei, we’re friends. That’s our relationshit.” Relationshit talaga!

“FRIENDS? FUCK IT!” Sinipa nya ang couch na inuupuan ko. “Friends tapos naghahalikan? Ano ‘yun?” Tumawa pa sya ng sarcastic at umiling-iling pa.

“Kung ayaw mo ng friends, edi stranger.” Ang arte! Buti nga friends ang sabi ko hindi enemy. Duh?! Enemy ko kaya sila. Magmula sa kanya hanggang kay Jessica. Lahat ng may kinalaman sa Dark Moon ay enemy ko. Kaya isa syang enemy! Hmp!

“Stranger? Naghahalikan tapos stranger? Niloloko mo ba ako?” Humarap na sya sa akin at pinandilatan na naman ako ng mata.

Nag-iwas ako ng tingin. Nakakatakot talaga sya kapag pinandidilatan nya ako ng mata.

“Mystery! First kiss mo ako. Dapat magboyfriend na tayo ngayon.” Frustrated na sabi nya habang nilalamukos nya ang mukha nya.

“Ano naman kung first kiss ko ‘yun? As if naman importante ang first kiss.” At saka hindi sya ang first kiss ko no? Si Leander kaya.

“WHAT? Of course importante ‘yun. First kiss ‘yun ano ka ba? Stupid! Aish.” Umupo sya sa katapat kong couch at kinamot ng marahas ang ulo nya.

Napalunok ako nang makitang nakabukaka sya. May brief kaya syang suot?

Aish! Get a grip, Misty!

Iniwas ko ang mga mata ko sa mapanuksong ANO ni Andrei.

Hay naku! Umaandar na naman ang pagka-Green Nature ko.

“Mystery, first kiss is very important.”

Napalingon ako kay Andrei na seryosong-seryoso na nakatingin sa akin. Hindi ko sya nakikitaan ng galit at inis tulad ng nakikita ko sa kanya kanina. Kalmado lang syang nakatingin sa akin.

“I-I know.” Napayuko na lang ako kasi nahahawa ako sa pagiging kalmado ni Andrei. Para kasi syang nagpapakonsensya na ewan though wala naman akong dapat ikonsensya dahil wala naman akong kasalanang ginawa sa kanya.

“I know ako ang first kiss mo so I’ll take the responsibility for that.”

O_O

Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin kay Andrei. Seryoso ang mga mata nyang nakatingin sa akin.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon