OPERATION 122- Basang-basa
Misty’s POV
Napailing na lang ako sa inakto ni Andrei. What’s with his line, ‘ashamed of me’? Ang babaw nya ah? Tsss.
Bahala nga sya.
Siguro mas maganda kung magkagalit kami para hindi na nya ako guguluhin. Matatahimik pa ang buhay ko dahil walang bossy na lalakeng aaligid-aligid sa akin. Nakakasakal kaya sya. Konting maling kilos mo lang magagalit na. What’s with his attitude?
Nang masigurado ko ng tulog na tulog na si Jessica at tapos na ang rounding ng mga guards sa school, nagmadali akong umakyat ng pader sa likod ng girls’ dorm. Dito kasi nakakadaan sina Leander kapag pinupuntahan nila ako. Walang masyadong dumadaan dito at isa pa, tago ang lugar na ‘to. Leander was so great to know this pathway. Wala talaga akong masabi.
Nagkita-kita kami sa ibang restaurant. Tinext ko kasi sila na sa ganitong restaurant na lang magkita dahil baka mamaya ay bumalik si Andrei sa restaurant na pinuntahan namin kanina at mahuli pa kami. Mas maganda na ang nag-iingat.
Buti na lang at nasa tabi ko si Leander nang mga panahong pinapagalitan ako ni Mommy. Nalaman nya palang lumipat ako ng school. Akala raw nya ay break na kami ni Leander at hindi ko man lang raw pinaalam sa kanya. Nalaman rin nyang doon na ako nakatira sa Crescent kaya mas lalo akong pinagalitan.
Ewan ko ba at feeling ko mas anak nya si Leander kesa sa akin. Mas concern pa sya sa relationship namin ni Leander kesa sa akin. Palibhasa ay close na close sila. Hmp!
Agad rin namang umalis si Mommy dahil may flight sya papuntang Subic. May business affair raw sya rito kaya sumaglit sya para madalaw ako. Akala ko pa naman ay pinuntahan nya talaga ako.
Pagkatapos ng dinner namin with my mom, dumiretso kami sa HQ ng Red Knights. Hindi muna ako uuwi sa dorm. Namiss ko sina Leander. Bukas na lang ako ng gabi uuwi. Bahala na si Batman.
Nagmovie marathon kami buong magdamag habang ang tatlo ay umiinom ng beer. Syempre si Liam puro kwento na naman ng kagwapuhan raw nya. Oo na lang kami ng oo kasi sanay na kami. Hindi na maaalis kay Liam ang pagiging conceited dahil ang paniniwala nya talaga ay gwapo sya kahit totoo naman. Nasobrahan nga lang ng kayabangan sa katawan.
Nang makatulog na si Tee at Liam sa sobrang kalasingan, kinuha naman namin ang opportunity na ‘yun para makapagsarilinan ni Leander.
“How’s Crescent?” Tanong nya sa akin habang binubuksan ang isa pang can ng beer.
“Hmm … normal naman syang school.” Kibit-balikat kong sabi.
“How about the bastards? Hindi ka ba nila sinasaktan?”
“Hindi naman. Actually, medyo nakakausap ko na sila. Hindi ko pa nga lang nalalaman ang mga plans nila but maybe one of these days ay magka-knowledge na ako about that.” Napangiti tuloy ako. Siguro naman isi-share sa akin ni Andrei ‘yun since ‘girlfriend’ nya raw ako. Hindi ko man nakuha si Jesse, I got Andrei naman. Kaya lang kasi iba pa rin ang leader e. Aish. Epal kasi ni Andrei e. Tsk.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
DiversosA love story that starts in the wrong place, time and manner.