OPERATION 130- Ang Mahiwagang Menstruation

353 9 12
                                    

OPERATION 130- Ang mahiwagang Menstruation

Jesse’s POV

“Ayusin mo, Pin! Dahan-dahan lang!” Utos ko kay Finn na syang gumagamot ng sugat ko sa panga. Langyang Liam na ‘yun, napakainsecure sa akin. Palibhasa alam nyang mas gwapo at makinis ang mukha ko kesa sa mukha nyang tinadtad ng kulugo.

“Malakas pala sumuntok ‘yung kalaban mo, Jesse? Akala ko kayang-kaya mo na ‘yun pero hindi pala.” Tatawa-tawang sabi sa akin ni Finn.

Binatukan ko nga. “Gago! Sinwerte lang ‘yung bulol na ‘yun kahapon. Tangina! May araw rin sa akin ‘yung putanginang Liam na ‘yun.” Naaasar talaga ako sa Liam na ‘yun. Sa dami-rami ng parte ng katawan ko, mukha pa talaga ang pinuntirya nya. Isa lang ang ibig sabihin nun, naiinggit sya sa kagwapuhan ko. Insecure ang pota!

“Aissssssh!”

Sabay kaming napalingon ni Finn sa bagong dating na si Andrei. Saan naman natulog ang isang ‘to? Hindi kasi ito umuwi kagabi pagkatapos naming makasagupa ang mga walang kwenta at mga panget na Red Knights na ‘yun.

Sarap bangasan ng pagmumukha ni Leander. Naiinis ako sa pagngiti-ngiti nya. Ang panget naman nya. Tama bang gamitin ang nanay ni Andrei para inisin lang si Andrei? Eto namang si Andrei, pinatulan kaya ayan, rambol kami.

“Jesse!” Sigaw ng mahal na hari.

“Oh?” Tumayo ako at nilapitan si Andrei. “Nag-away na naman kayo ng mahal na reyna mo?” Sa tuwing mainit ang ulo ni Andrei, alam kong si Misty na naman ang dahilan.

“Bakit ganun sya? Sweet sya tapos biglang hindi. Binato nya ako ng basahan tapos hindi nya ako pinapasok sa kwarto nya. Bakit sya ganun? Ayaw na nya sa akin? Break na ba kami nun?” Nagugulumihanang tanong ni Andrei sa akin.

Ang labo talaga nitong lalake na ‘to. Palibhasa ngayon lang nagkalovelife. Binato lang ng basahan, break na? Parang gago lang? Tsss.

“Baka may dalaw. Ganun ang mga babae kapag may dalaw. Moody.” Sabi ko na lang.

Sinamaan ako ng tingin ni Andrei. Ano na naman ang ginawa ko? “Dalaw? Bakit sya may dalaw? Sino namang dadalaw sa kanya? Kaya ba sya biglang hindi naging sweet kasi may dumalaw sa kanya? Hindi nya ako pinapasok sa kwarto kasi dun nya tinatago ang dalaw nya? Fuck! I’ll kill that bastard.” Tinulak ako ni Andrei at nagmadaling lumabas ng dorm.

Tangena! Laughtrip si Andrei.

Hinabol ko si Andrei na mabilis na bumababa ng hagdan. Sarap tawanan ni Andrei. Ang slow, pota!

“Drei, mali ang iniisip mo.” Hinarangan ko ang dadaanan nya. “Hindi tao ang tinutukoy kong dalaw. Regla ‘yun, dude. Regla. Regla!” Sigaw ko sa kanya.

“R-regla?” Kumunot ang noo ni Andrei na tila iniisip kung ano ang regla. Maya-maya ay namula ang mukha nya. “G-ganun ba ‘yun kapag may regla ang babae? D-di ba nagdudugo ‘yung … ‘yung … shit! Aish.” Padabog nya akong tinalikuran at nagmadaling bumalik sa dorm namin.

Nang makalayo na si Andrei, saka ako humagalpak ng tawa. Parang gago talaga ‘yun.

Pagbalik ko sa dorm ay nabungaran ko si Andrei na nakaharap sa laptop nya at may kung anong sinisearch. Binalingan ko si Finn at tinanong kung anong nireresearch ni Andrei pero hindi rin pala nya alam. Kaya ang ginawa ko, palihim akong sumilip sa likod ni Andrei at tiningnan kung anong nireresearch nya.

MENSTRUATION?

“Mood swings? Ah kaya pala ganun si Mystery kanina.” Tatango-tango pang bulong ni Andrei bago iscroll down ang binabasa. “Dysmenorrhea? Aish. Anong gamot sa Dysmenorrhea? Tsk Tsk.” Nagresearch na naman sya at binasa ang naresearch. “Pain reliever. Tama.” Agad syang tumayo at nagmadaling lumabas ng dorm.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon