Author’s NOTE:
Tapos na po ang first half. The succeeding chapters will be considered as part of the second half of this story. Kinakabahan ako sa Second half kasi baka hindi nyo na magustuhan pero sana e basahin nyo pa rin sya.
Yun lang. Salamat po ulit.
____________________________________________________________________________
OPERATION 140- Runaway
Jesse’s POV
“Asan na ‘yung dalawa, Jay?” Tanong ko kay James kasi biglang nawala si Finn at Andrei. Kasunod lang namin ‘yun kanina e.
“Ewan. Baka nakakita ng chix.” Balewalang sagot ni James sabay kindat sa babaeng dumaan sa harap namin.
“Tanga! Si Finn at Andrei ang nawawala. Imposibleng manchix yung mga ‘yun! Yung kapatid mo, baliw sa mga alaga nyang hayop. Si Andrei naman, allergic na sa mga babae. Baka manggulpi pa ng babae ‘yun e.”
Saka walang hilig sa babae si Andrei. Kay Misty lang talaga ‘yun nahook kaya lang … wala e. Taken na pala. Buti nga sumama sa amin maglaboy si Andrei ngayon. Siguro naburyo na sa dorm.
“Hanapin mo nga, Jay!” Utos ko sa kurimaw na ‘to.
“Gago, yan na sila oh?!” Nginuso nya sa akin ang paparating na si Andrei at si Finn. Kumunot ang noo ko nang makitang hatak-hatak ni Andrei si Finn at pareho silang umiiyak. Anong nangyari sa dalawang ‘to?
“P-pre, wag yang utol ko.” Agad nilayo ni James si Finn kay Andrei.
Nilapitan ko naman si Andrei na galit na galit na umiiyak. Ang labo. Mabilis nyang pinunasan ang luha nya gamit ang braso at saka nagmadaling umalis. Susundan ko sana pero ang gago, ang bilis maglakad. Parang may tinatakasan.
“Finn, anong nangyari dun? Bakit pareho kayong umiiyak?”
Suminghot si Finn ng uhog nya. Kadiri talaga ‘to. “Nakita namin si Misty sa dun oh.” Tinuro nya yung daan papunta sa World of Fun. “Hindi ko nga alam kung bakit umiyak si Andrei e sinabihan nya si Misty kanina na papatayin nya. Umiyak nga si Misty e. Kawawa si Misty.” Naiiyak na kwento ni Finn sa amin.
“Tama lang ‘yun! Niloko si Andrei e. Kung ako rin naman si Andrei, papatayin ko talaga ‘yun.” Komento ni James sa kwento ni Finn.
“Kuya, wag kang ganyan. Bad ‘yun. Susumbong kita kay Mommy.
Napailing na lang ako sa dalawang magkapatid na ‘to. Magkapatid nga. Parehong weirdo.
Sinundan ko na lang si Andrei. Mas matino pa kausapin si Emoboy kesa sa magkapatid na ‘yun e. Pinuntahan ko sya sa parking lot dahil dun naman ang punta nun. Nandun ang kotse namin e.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.