OPERATION 134- Hindi nga!

339 9 10
                                    

Author's Note:

Dapat mahaba ito pero tinamad na ako. Dalawang chapters na lang at boom! Mehehe~

Tutuloy ko na lang tomorrow.

@JudyAnnPaulate , sorry for staying up late just to wait for my update. Salamat ah! Kahit maka-Leander ka at ayaw mo kay Finn ko. Hahaha! O ayan, wala si Leander ulit. Hahaha

_____________________________________________________________________________

OPERATION 134- Hindi nga!

Misty’s POV

“Wife, faster!” Sigaw sa akin ni Andrei.

“Atat naman ‘to! Saglit lang naman.” Sigaw ko pabalik sa kanya.

“Ang tagal tagal mo naman magbihis! Papasok na ako!” Kinalabog nya ang pinto ng kwarto namin at pinipilit buksan.

“Saglit lang kasi. Atat ka naman makipagdate.” Binuksan ko agad yung pinto bago nya pa masira ito.

“Ang tagal tagal mo!” Umupo sya sa kama ko at pinagmasdan ako habang nagsusuklay. “Wag ka na magpaganda!” Binato nya ako ng stuffed toy.

“Ewan ko sa’yo.” Irap ko sa kanya at nagpatuloy sa pagsusuklay sa harap ng salamin.

Tumayo sya at niyakap ang likod ko. “Galit ka?” Bulong nya sa akin at pangiti-ngiting sinusulyapan ang mukha ko sa salamin.

Umirap ako. “Nagmamadali ka kasi e. Parang tatakbo naman ‘yung pupuntahan natin. Kainis ‘to.” Pinalo ko ‘yung kamay nyang nasa tiyan ko.

Tinawanan nya lang ako at kinagat sa balikat. “Bagal mo kasi kumilos. Excited na ako e.” Tatawa-tawa nyang sabi.

Natawa rin ako. Excited pa huh? Tsss.

“Bakit nasa grocery tayo?” Tanong ko sa kanya as I roam my eyes around the grocery.

Seriously? Monthsary namin and then sa grocery nya ako dinala? Akala ko pa naman magdedate kami kaya nagdress pa ako ng bongga. Pinalantsa ko pa ang buhok ko kaya natagalan ako tapos malaman-laman ko lang na sa grocery ang bagsak namin? Ugh.

Inakbayan nya ako bago kumuha ng cart. “Bakit? Saan ba sa tingin mo tayo pupunta?” Tanong nya sa akin.

Automatic na umikot ang mata ko at tinanggal ang kamay nya sa balikat ko. “Hindi mo ba ako dadalhin sa classic restaurant? Sa romantic place? Or at least sa mall man lang? I thought it’s our monthsary?” Pagdadabog ko.

Hindi ko kasi pinangarap na makapagcelebrate ng monthsary sa grocery store. Ang chaka kaya. Err. Buti pa si Leander kahit anniversary lang sinicelebrate namin, sa romantic place nya ako dinadala and it’s far from this grocery store.

“Wife …” Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at tiningnan sa mata. “Wag kang mag-alala. Sa susunod na monthsary natin, sa ibang lugar na tayo pupunta. Ang dami-dami pa nating monthsary e. Para kang mauubusan ng monthsary. Don’t worry, sa Anniversary natin, I’ll take you to the most romantic place na alam ko.”

Napairap ulit ako. “Bakit sa tingin mo aabot tayo ng second monthsary?” Inis kong tanong sa kanya.

Nakakainis naman si Andrei. I expect too much sa date namin na ‘to tapos dito lang nya ako dadalhin? Susunod na monthsary? As if naman may susunod e baka kasal na ako kay Leander nun. Aish.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Masamang-masama na naman ang tingin nya sa akin at nanggigil na pinisil ang balikat ko.

“Ouch! Hey Andrei, masakit na!” Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa balikat ko pero mahigpit at mariin ang pagkakahawak nya dito.

“Don’t you ever think of breaking up with me, Mystery. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” Banta nya sa akin through his gritted teeth.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon