OPERATION 103- Danger

561 10 2
                                    

Liam sa gilid ------------------------------>

_____________________________________________________________________________

OPERATION 103 – Danger

Misty’s POV

Nakaalis na sina Tee at Liam sa condo namin pero nanatili pa ring tahimik si Lean. Kanina pa sya inom ng inom ng Vodka at kanina ko pa rin sya kinakausap pero hindi nya ako pinapansin.

“Babe.” Hinawakan ko ang kamay nya pero agad rin nya itong tinaboy. “Lean naman e.” Umupo ako sa lap nya at mahigpit syang niyakap sa bewang.

“Bitaw.” Malamig nyang sabi sa akin habang tinatanggal ang mga kamay kong nakapalupot sa bewang nya.

“Ayaw.” Mas lalo ko pa itong hinigpitan para hindi nya ito maalis.

“Misty.” Bahagyang tumaas ang boses nya. Indication na dapat mo syang sundin.

Labag man sa kalooban ko, tumayo ako at medyo dumistansya sa kanya.

Napakagat ako sa lower lip ko para mapigilan ang mga luhang nagbabadyang bumaba mula sa aking mga mata. Hindi kasi ako sanay na pinagtataasan ako ng boses ni Leander. Nakakasakit lang sa damdamin kasi maliit na bagay lang, nagagawa nya na akong pagtaasan ng boses.

“Aaaah!” Nilamukos ni Lean ang mukha nya nang makita nya akong naluluha. Agad syang lumapit sa akin at niyakap ako. “Im sorry.” Bulong nya sa akin.

Niyakap ko rin sya ng mahigpit habang pinipigilan ang paghikbi ko. Hindi naman sa iyakin ako pero kapag nararamdaman ko kasing nalalayo ang loob ni Leander sa akin, nasasaktan ako. And hell, si Leander ang weakness ko.

“Wag ka na umiyak, okay? Hindi ako galit sa’yo.” Hinarap nya ako sa kanya at hinawakan sa magkabilang balikat. “Ang hindi ko lang nagustuhan ay yung desisyon mo. Ayoko lang mapahamak ka.”

“Pero Lean, all I want to do is to help you. Tama si Tee. Ako lang ang mapagkakatiwalaan nyo sa mga oras na ‘to.”

Sinuggest kasi ni Tee na magspy ako sa kalaban nilang grupo which is the Dark Moon pero syempre, agad namang tumutol si Leander.

“Oo nga. Nandoon na tayo na ikaw lang ang mapagkakatiwalaan namin sa ngayon pero paano kung may mangyari sa’yong masama? Hindi ko kakayanin yun, Misty. Ayokong mapahamak ka nang dahil lang sa amin o sa akin.” Uminom ulit sya ng isang shot ng Vodka.

“Kaya ko naman ang sarili ko e. Para saan pa ang pagtuturo mo sa akin ng self defense?”

“Hindi mo sila kilala, Misty. Malalakas sila at isa pa, kapag nalaman nila na iniispy-an mo sila, hindi ko alam kung anong pwede nilang gawin sa’yo. Misty, ilang buwan na lang at ikakasal na tayo. Wag mo nang gawing kumplikado ang lahat.”

“Yun na nga Lean e. Ikakasal na tayo. Iiwan mo na ang grupo nyo pero sa tingin mo ba maiiwanan mo ‘to kung may ganito kayong problema? Lean, all I want to do is to help you. Bakit hindi mo maintindihan ang pinupunto ko? Gusto ko, bago mo iwan ang grupong ito, maayos na. Wala ng gulo. Wala ng problema. Just bear with us. Pumayag na si Tee at Liam. Ikaw na lang ang hindi. Kaya ko naman ang sarili ko e. At kung nagdududa ka sa kakayahan ko, you may back me up if ever na magkakaproblema. Just let me help you with this one. ”

Kumuha ulit sya ng another Vodka at ininom ulit ito. Nag-iwas sya ng tingin sa akin at umupo sa high stool.

“Lean.” Tawag ko sa kanya na may pangungumbinsing tono.

He let out a deep sighed and answered, “I’ll think about it.”

“Thanks.” I hug him and give a peck on his lips.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon