OPERATION H- Hindi marunong

274 8 4
                                    

OPERATION H- Hindi marunong

Misty’s POV

“Where are you going?” Dudang tanong sa akin ni Leander at pinasadahan ang suot kong damit. Napatingin rin ako sa suot kong damit. What’s wrong with my attire? It’s just a simple red dress na hanggang half ng hita ko ang length. Not mentioning na hapit na hapit ito sa akin. Well, ganito naman ako manamit noon pa. Wala ng bago.

“Ahh … may imimeet lang.” Humarap ako sa salamin at sinuklay ang maikli kong buhok. Natutuwa talaga ako sa buhok ko ngayon. Feeling ko, bumata ang mukha ko.

“Imimeet? At this hour? Misty, sinong imimeet mo ng ganito ka-late?” Hinila nya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. Nakakunot ang noo nya at base sa mga tingin  nya, pinagdududahan nya ako.

Bumuntong hininga na lang ako. Hindi ko pwede sabihin kay Leander ang tungkol dito dahil ‘yun ang bilin sa akin ni Tito. Walang makakaalam maliban sa aming dalawa. I don’t want to mess with Tito Xander. Magiging father-in-law ko sya at panget kapag bad shot ako sa kanya.

“Babe, mali ‘yang iniisip mo.” Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko at ipinulupot yun sa bewang ko. “Pupunta ako kina Tita Helen. Pinapapupunta kasi nila ako sa house nila. Isasama sana kita kaya lang alam kong pagod ka na.”Alibi ko. Hinaplos ko ang pisngi nya na agad naman nagpakalma sa kanya. Napapikit sya at dinama ang paghaplos ko sa pisngi nya.

“Ano oras ang uwi mo?” Tanong nya sa akin na ngayon ay nakadilat na. Inayos nya ang nalaglag kong bangs at inipit sa gilid ng tenga ko.

“I’ll call you kapag pauwi na ako. Hindi ko sure kasi alam mo naman si Tita, madaldal. Madaming kwento.”

Tumango sya at niyakap ako sa likod. “Umuwi ka as soon as possible ah? Hihintayin kita.”

Humarap ako sa kanya and give him a peck on his lips. “Yes po. Uuwi ako as soon as possible.”

Hinatid ako ni Leander palabas ng subdivision nila. Doon na rin ako kumuha ng taxi at nagpahatid sa coffee shop kung saan kami magkikita ng stepbrother ni Leander. Naeexcite ako na nakucurious sa stepbrother ni Leander. Sana ay magkasundo sila ni Leander. Knowing him, he’s a total snob.

Nakailang sulyap na ako sa wristwatch ko. Thirty minutes ng late ang kakatagpuin ko rito sa coffee shop. Kung hindi lang si Tito ang humingi ng pabor sa akin, kanina pa ako umalis. Ayoko talaga sa lahat ay ang pinaghihintay ako.

Hindi ko pa nakikilala ang stepbrother ni Leander pero mukhang hindi kami magkakasundo. Umpisa pa lang, kinaiinisan ko na sya. Masyado na kayang gabi at hinihintay pa ako ni Leander. Sya na nga nagbigay ng oras at lugar magkikita tapos sya pa ang huli. My God!

Five more minutes at hindi pa dumating ang stepbrother ni Leander, aalis na talaga ako. 

Nang matapos na ang five minutes, tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

“Ang bilis mo namang mainip.”

Napalingon ako sa may-ari ng boses na galing sa likod ko.

“A-andrei?” Gulat kong sambit.

“Oh? Kilala mo pala ako? Akala ko ba hindi mo ako kilala?” Nakangisi nyang sabi sa akin at umupo sa harap ko.

Kumunot ang noo ko sa inasal nya. “B-bakit ka nandito?”

Tinaasan nya ako ng kilay at umayos ng upo. “Di ba ngayon tayo magkikita? Kaya ka nga nandito e.” Balewala nyang sabi.

Napatakip ako ng bibig sa realisasyon na naisip ko. “I-ikaw? Ikaw ang stepbrother ni Leander?” Gulat kong tanong sa kanya.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon