OPERATION 117- Mahal ko sya e!
Jesse’s POV
Nadatnan kong nag-aasaran si Finn at Andrei sa loob ng kwarto namin. Napakunot tuloy ako ng noo. Nakakapanibago si Andrei. First time ko lang syang makitang nakipag-asaran kay Finn o kahit kanino man. Ang nakakapagtaka pa nga, tawa ito ng tawa habang inaasar si Finn.
“Hahaha. Wala ka pang first kiss? Hahaha.” Tawang-tawa na asar ni Andrei kay Finn.
Natawa rin tuloy ako. Kung makapagsalita si Andrei kala mo nakahalik na e hindi pa nga ‘yan nahahalikan e. At hindi pa rin ‘yan nagkakagirlfriend.
Ewan ko nga dyan. Ang dami namang may gusto sa kanya pero wala talaga syang interes sa mga babae. Iniisip ko nga minsan na kung hindi ako ang nababading sa sobrang kagwapuhan ko, siguro si Andrei ang nabading.
Mas gwapo naman kasi ako sa kanya e ayaw lang nya aminin.
“Ang yabang mo naman Andrei. Pareho lang naman tayong wala pang first kiss e.” Nakangusong sabi ni Finn sa pinuno nya.
Pota! Ngumunguso? Ano sya bata? Pacute ampota! Hahaha.
“Sinong nagsabing wala pa akong first kiss?”
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
Ano raw?
Agad kong nilapitan si Andrei at kitang-kita ko kung gaano kalawak ang ngisi nya kay Finn.
Tangena! May first kiss na si Andrei?
“May nakahalik na sa’yo? Sino?” Umupo ako kagad sa harap ni Andrei.
Ngumiti lang ang loko sabay hawak sa lips nya. Kinagat-kagat nya pa ito na parang sinasariwa pa kung gaano sila kaintimate naghalikan kung sinumang babaeng ‘yun.
“Hala! Ako na lang ang walang first kiss?” Tila nababahalang sabi ni Finn sabay dukot sa butiking nasa bulsa nya.
“Syempre.” Naiiling na sabi ni Andrei sabay tayo para umupo sa couch na nasa tabi ng bintana.
Nakatingin lang sya sa kawalan habang hinahaplos-haplos ang labi nya.
Ibang klase mainlove si Andrei. Kailangan kong malaman kung sino ang Mystery na kinababaliwan nitong lokong ‘to. Lakas makawala sa sarili e.
“May first kiss na si Andrei. Si Jesse marami nang nakiss. Ako na lang ang wala pang nakikiss, Lizzy.”
Napalingon ako sa nagdadramang si Finn na kausap ang butiki nya.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.