OPERATION M- Mind blowing

282 8 4
                                    

Author's Note:

Medj mahaba kasi matagal akong hindi nakapag-update. Hopefully ay masundan ko kaagad ito. 

Salamat sa paghihintay :D

______________________________________________________________________

OPERATION M- Mind blowing

Misty’s POV

“UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! MOMMY! DADDY!”

“Shit! James patigilin mo nga ‘to! Pota ingay-ingay kakaurat!”

“UWAAAAAAAAAA! IHATE YOU! YOU KILLED MY MOM!”

“Oy gago kang bata ka! Hindi namin pinatay ang nanay mo! Tulog lang ‘yan saka tumigil ka nga baka bigwasan kita!”

“Try to harm my son, and I’m gonna kill you right now.”

“Leche! Finnello, ikaw laruin mo nga ‘to total pareho kayo ng pag-iisip.”

“Kuya, hindi ako isip bata. Lika dito, Lenard. Manuod tayo ng Barney sa tab ni kuya Finn.”

Pagkarinig ko sa pangalan ni Lenard ay pinilit kong buksan ang mga mata ko. Actually, kanina ko pa gustong imulat ang mga mata ko but I just can’t. Kanina pa ako nakakarinig ng pagtatalo at iyak ng bata. Kanina ko pa rin nararamdaman ang mainit na brasong kanina pa nakayakap sa akin.

Unti-unti akong nakakaaninag pero hindi sapat para makita ko ng malinaw ang nakikita ko. All I see is a guy above me. I mean, may lalake akong nakikita na nasa itaas ko.

“You’re awake.” Nakangiti nyang sabi sa akin at marahan akong hinalikan sa labi.

Gusto kong bumangon pero hinang-hina ako. Kahit anong pilit kong gumalaw, hindi ko kaya. Ni hindi ko maiangat ang mga kamay ko. Bakit ganun?

“You okay?” Tanong nya sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko.

“S-sino … ka?” Hingal kong tanong sa kanya. Hirap na hirap akong magsalita na parang namamanhid lahat ng parte ng katawan ko.

“Ako ‘to, si Andrei.” Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin.

Andrei? Bakit si Andrei ang kasama ko? Teka … hindi ba dapat ikakasal ako kay Leander? Di ba dapat nasa simbahan ako—

“I’ll explain later. Wag ka munang mag-isip. Mahina ka pa. Magpahinga ka muna ulit.” Sabi nya sa akin at inayos ang pagkakahiga ko sa lap nya.

Ugh. I can’t digest what’s happening now. Pinilit kong alalahanin ang nangyari.

Right, kausap ko si Nina and then biglang pumasok si Andrei. Binati nya ako sa kasal ko and then … sinaksak nya ako ng hindi ko alam and then, nahimatay ako.

Kung ganoon, hindi ako nakarating sa kasal ko and worst, baka isipin ni Leander na sumama ako kay Andrei. Shit lang! Panibagong problema na naman ‘to.

“Drei, nandito na tayo.” Rinig kong sabi ni Jesse kung hindi ako nagkakamali.

Unti-unting lumilinaw ang aking paningin ngunit ganoon pa rin ang katawan ko, namamanhid at nanghihina.

Binuhat ako ni Andrei palabas ng kotse. Kumunot ang noo ko nang mapansing puro puno ang nakikita ko. Saan nya kami dinala? And then bigla kong naalala si Lenard. Nakita ko syang buhat ni Finn while sleeping. Gosh! Isinama pa nila si Lenard. Malamang ay galit na galit si Leander.

Dahan-dahang lumakad si Andrei kasabay nina Jesse. Inirapan ako nung lalake—kung hindi ako nagkakamali, JJ ang name nya, spy ng Dark Moon kina Leander.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon