Author's Note:
One chapter to go, tapos na ang first half.
_____________________________________________________________________________
OPERATION 139- Naiyak na lang
Misty’s POV
“Babe … ”
Nagkatinginan kami ni Liam nang marinig namin ang boses ni Leander sa labas ng kwarto ko.
Umiling ako kay Liam hudyat na wag papasukin si Leander sa kwarto ko. Hanggang ngayon, ayaw ko pa rin sya makita. Ayaw ko pa rin sya makausap. Inis pa rin ako sa kanya.
Sumunod naman si Liam sa sinabi ko. Tumayo sya at binuksan ng kaunti ang pinto at kinausap si Leander.
“Tulog shi Mishty, Leander. Mamaya mo na lang kaushapin.”
“Is she mad at me ‘til now?” Tanong ni Leander kay Liam.
“Ah eh …e-ewan ko. Hindi naman sha nagshashalita kanina e. Tulog lang sha nang naabutan ko.”
“Ganun ba? Sige, ako na muna magbabantay sa kanya. Tulog sya di ba?”
Agad na tumingin sa akin si Liam and mouthed me ‘PATAY’.
Patay nga talaga. Agad akong humiga sa kama ko at nagtalukbong. Magpapanggap akong tulog para hindi nya ako makausap. Para hindi ko sya makita.
“S-shige. I-ikaw bahala.” Rinig kong sabi ni Liam kay Leander kasabay ng pag-awang ng pinto. Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa akin.
Naramdaman kong may humiga sa tabi ko at yumakap sa akin.
“Leander, lalabash na ako ah?” Paalam ni Liam kay Leander.
Aish. Kainis talaga si Liam. Iiwanan nya pa talaga ako kay Leander.
“Sige. Lock the door when you leave.”
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Anong gagawin nya sa akin at kailangan pa nyang ipalock ang pinto kay Liam?
“Shige. Wag mong bubuntishin shi Mishty ah? Lagot ka kay Tita.” Natatawang sabi ni Liam.
“Oo na. Oo na. Lumabas ka na.”
Narinig ko ang marahang pagsarado ng pinto. Nakalabas na si Liam and now, kami na lang ni Leander.
Naramdaman kong unti-unti nyang tinatanggal ang kumot na nakatalukbong sa buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.