OPERATION K- Yes

139 6 2
                                    

Author's note:

Sorry at umabot na naman ng buwan bago ako nakapag-update at ito lang ang nakayanan ko. Sobrang iksi. Update na lang ako bukas ng gabi or madaling-araw. Promise yan.

_______________________________________________________________________

OPERATON K- Yes

Misty’s POV

Pagkalabas ko ng kwarto ni Andrei ay sinundan ko si Leander sa kwarto. Nakita ko syang nakatayo at nakaharap sa bintana. Kitang-kita ko kung paano magtaas-baba ang mga balikat nya na.

“Lean …” Tawag ko sa kanya at marahang lumapit sa kanya. Hindi nya ako nilingon. Diretso lang ang tingin nya sa labas na parang malalim ang iniisip.

Dahan-dahan kong niyakap ang likod nya at isinandal ang ulo ko sa malapad nyang likod. “Gusto mong dito na lang tayo kumain? Magpapaakyat ako ng pagkain kay Manang.”

“Gusto ko syang patayin, Misty. Gustong-gusto ko.” Rinig kong sabi ni Leander kasabay ng pagyakap nya sa mga braso kong nakapulupot sa bewang nya. “Sa tuwing nakikita ko sya, gustong-gusto ko syang saktan hanggang sa mamatay sya. Putangina nya!” Gigil na gigil nyang sabi.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko at iniharap sya sa akin. “Leander wag kang magsalita ng ganyan. Hindi ka mamamatay-tao, okay? You’re not.” I caressed his face and I saw how his tensed face softened.

“Misty …” Hinuli nya ang kamay ko at agad dinampian ng halik. “Kunin na nya ang lahat sa akin, wag lang ikaw.” He said in a soft voice. “Promise me, kahit anong mangyari, hinding-hindi ka na sasama sa kanya. Hinding-hindi mo na ako iiwan.” He said in his pleading eyes. Nakita ko ang ibang version ni Leander. Hindi ito ang Leander na nakilala ko noon na matapang, malakas, walang kinakatakutan. Mahinang Leander ang nasa harap ko ngayon. Para syang batang takot na takot maiwanan ng nanay nya. And I hate myself for making him like this.

“I won’t leave you anymore.“  I said in a certain voice.

“Promise me.”

“Yes, I promise.”

“If that so …” Huminga sya ng malalim at may kinuha ang maliit na kahon sa kanyang bulsa. Napalunok ako nang unti-unti nya itong binuksan at ipinakita sa akin ang laman nitong singsing. Dejavu. “Then marry me.”

“L-Leander …” Yun lamang ang nasabi ko sa sobrang pagkabigla.

“If you want to fulfill your promise, prove it to me by saying yes.”

This is what I wanted years ago. Noong hindi pa pumapasok si Andrei sa buhay ko. Ito rin ang gusto ko noong mga panahong nasa U.S kami.

Pumikit muna ako bago at huminga ng malalim. Buo na ang desisyon ko.

“Yes, Leander.  Let’s get married.”

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon