OPERATION 115- Clingy Andrei

426 8 20
                                    

OPERATION 115- Clingy Andrei

Andrei's death glare sa side --------->

Katakoooot!

_____________________________________________________________________________

Misty’s POV

Hindi pa ako nakakasagot sa sinabi nya nang ibalandra nya sa akin ang mga movie tickets.

“Lahat ‘yan panuorin natin.” Sabi nya at isa-isang pinakita ang mga tickets sa akin.

Kahit ayokong sumama sa kanya, bigla akong natempt  nang makita ko ang mukha ni Robert Pattinson at Taylor Lautner.

Oh my gosh.

Breaking Dawn Part 2.

“Gusto mo ‘to?” Nakangiting tanong sa akin ni Andrei habang winawagayway ang ticket ng Twilight.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kapag sinabi kong gusto ko, parang pumayag na rin akong makipagdate sa kanya though hindi naman talaga date ‘yun. Kapag humindi naman ako, I’m gonna miss the half of my life. Super fanatic ako ng Twilight and I cannot afford to miss it. Kung si Leander lang kasi ang nag-aaya sa akin malamang hindi ako maguguluhan ngayon.

Bakit ba kasi ang weird ni Andrei ngayon? Bakit ang daldal nya ata at nakakapagtaka na parang masyado ata syang clingy sa akin ngayon. Samantalang kagabi halos patayin nya na ako dahil sa pabango ni Leander.

Teka, bakit naman sya magagalit kung amoy lalake ang room namin? Pakialam naman nya di ba?

Aish.

“Misty, aalis ka?” Tanong ni Jessica sa’kin.

Sumulyap ako sa kanya saglit at saka sumagot ng, “Oo.”

“Gabi na ah?! Sinong kasama mo?” Lumapit sa akin si Jessica at tinulungan akong izipper ang dress na suot ko.

Pinagdress kasi ako ni Andrei. Ayaw raw nya na isuot ko ‘yung sinuot ko kahapon dahil ang panget raw ng katawan ko at ang kapal raw ng mukha ko para ibalandra ‘yun. Sukang-suka raw sya lalo na sa legs kong makinis.

Ang kapal ng mukha ni Andrei. Katawan ko pa ang panget e halos maglaway nga si Jesse nung makita nya ako nun.

Weird kasi sya kaya wala syang taste!

“Misty, siguro may date ka no?” Ngiting-ngiti nyang tanong sa akin kaya tumaas ang kilay ko.

“Hindi ako makikipagdate, okay? Tutulungan ko lang ‘yung psychotic sa labas na gastusin ang marami nyang pera.” ‘Yun ang sabi sa akin ni Andrei nang tinanong ko sya kung niyayaya nya akong makipagdate. ‘Wag ko raw isipin na niyaya nya ako magdate dahil hindi daw ako maganda para maging kadate nya. Ang kapal nga ng mukha nya e. Nakakainis! Feeling nya gusto kong makipagdate sa kanya e presensya pa lang nya sukang-suka na ako.

“Psychotic?” Takang tanong nya.

“Oo. Isang weirdong lalake na walang ibang alam sabihin kundi panget raw ako.” Napairap ako sa hangin.

Ilang beses na nya akong sinabihan ng panget ngayong araw. ‘Wag raw akong feeling maganda. Hindi raw porket kasama ko sya buong araw e maganda na raw ako. Naaawa lang raw sya sa akin kasi loner raw ako at wala akong makasama.

Ang kapal di ba? Sya kaya ang loner sa amin. Palibhasa wala syang alam gawin kundi tumingin ng masama.

“Hindi ka naman panget ah. Ang ganda ganda mo nga Misty e.”

“Yeah, I know. Kung hindi ako maganda hindi ako magugustuhan ni Leander.” I smirked.

“Leander?”

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon