OPERATION 129- Ayoko!

334 9 7
                                    

OPERATION 129- Ayoko!

Misty’s POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humalik sa leeg ko. Napangiti ako dahil alam kong si Leander ‘to. Umikot ako at niyakap sya. Siniksik ko ang ulo ko sa dibdib nya. Ang tigas ng dibdib nya. Muscles ‘yan, dude. Musclessssss!

“I miss you.” Sabi ko at mas lalong sumiksik pa sa kanya. Miss na miss ko na talaga si Leander pero hindi kasing miss noong una akong napahiwalay sa kanya. Ewan ko ba at medyo nasasanay na akong hindi sya kasama pero syempre nakakamiss pa rin ng konti.

Hindi sya sumagot bagkus ay niyakap rin nya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. Matagal kaming nanatili sa ganung posisyon. Muntik na nga akong makatulog ulit pero nagsalita sya.

“You won’t leave me, right?”

Kinilabutan ako nang marinig ko ang boses ni Andrei. Agad kong dinilat ang mata ko and shocked was seen on my face. I thought it was Leander! Buti na lang hindi ako nagsalita ng kung anu-ano kundi … my God!

Hinawi nya ang mga buhok na nakakalat sa mukha ko at inipit sa gilid ng tenga ko. Tinapat nya ang mukha nya sa mukha ko.

“You won’t leave me, right? Mystery?”

Nakatitig lang ako sa mukha nya. Ngayon ko lang nakita si Andrei nang ganito. Parang ang lungkot nya. May kinalaman ba ang pag-alis nya kanina kaya sya ganito?

“Mystery, I need your answer. Promise me that you won’t leave me.” He pleaded.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayokong magpromise sa kanya na hindi ko sya iiwan dahil alam ko sa sarili ko na once I got my revenge, I’ll surely leave him. Sinigurado ko noon na kapag iiwan ko sya, kailangan yung sobrang masasaktan sya. That he would choose to die rather than to live. Pero ngayon … I don’t know. Naguguluhan ako dahil unti-unti kong nakikilala si Andrei. Hindi ko alam … Hindi ko alam.

Hinalikan ko na lang sya sa labi para makaiwas sa tanong nya.

I saw him smile but a weak one. Something is wrong.

Bumangon ako pero hinila nya ako pahiga at niyakap ulit.

“Let’s stay like this.” Hinalikan nya ulit ang noo ko at mas lumapit pa sa akin. “Ikaw lang ang meron ako, Mystery. Wag mo akong iwan tulad ng ginawa nya.” Sabi nya and before I knew it, I saw tears coming from his eyes.

“A-andrei w-what’s wrong?” Napabangon ako at hinila sya para umupo. Bumangon rin naman sya at niyakap ako agad.

“Just promise me you’ll stay with me ‘til the end, Wife. And everything will be fine.” Bulong nya sa akin.

“Andrei …” I said before giving me a heavy sigh. “What’s wrong?”

Kumalas sya ng yakap sa akin and cupped my face.

“Let’s not talk about it.” Iwas nya at humiga sa lap ko.

Hindi ko na sya kinulit pa dahil mukhang hindi rin naman nya sasabihin sa akin. Sinuklay ko na lang ng mga kamay ko ang buhok nya hanggang sa makatulog sya.

I got this opportunity to stare at his face. Pareho sila ni Leander ng mata ‘yun nga lang mas singit si Leander. Natawa ako nang mapansing magkasalubong ang kilay nya kahit natutulog. Hinawakan ko ang kilay nya at inayos ito. I accidentally touched his pointed nose. I glided my index finger on his nose to its tip. And then I touched his lips. It’s too soft at kung bukas siguro ang ilaw, makikita ko kung gaano ito kapula. I caressed his smooth face. While doing that, I felt some electricity rushing through my spine.

Mas lalo kong naramdaman ‘yun nang hawakan ni Andrei ang kamay ko and said while sleeping, “I love you … wife.”

Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Bakit ako kinakabahan? Ito ang nararamdaman ko kapag sinasabihan akong ‘I love you’ ni Leander e.

Bakit nararamdaman ko ito ngayon kay Andrei? Hindi naman sya si Leander ah?

Does it mean …

No! Hindi! Ano ka ba, Misty? Get a grip of your stupid self!

Kulang lang ‘to sa tulog. Tama. Itutulog ko na lang ‘to.

Pagkagising ko ng umaga ay wala na si Andrei sa kandungan ko. Nakahiga na ako ng maayos sa kama. Nasaan na si Andrei?

Napatingin agad ako sa wall clock at sinasabi nito na alas syete na. Tulog pa rin si Jessica.

Pero nasaan si Andrei?

Agad akong bumaba ng kama and to my surprise,

“A-Aw.” He moaned in pain.

Agad kong binalik ang paa ko sa kama para makabangon si Andrei.

“S-sorry. Bakit nandyan ka sa baba ng kama?” Sabi ko kasi natapakan ko sya e. Malay ko bang dyan sya natulog. Akala ko iniwan nya na ako.

“Do you want to sleep with me?” Irap nya sa akin habang bumabangon para tumabi sa akin.

Napansin kong may cut ang labi nya at may pasa ang kanang pisngi nya. Napaaway sya? Kanino? Kay Leander? Kelan?

Tinuro ko ang labi ko para bigyan sya ng idea na may sugat ang labi nya.

Ngumiti sya at agad akong hinalikan sa labi. Smack lang pero matagal. “Aw.” Napahawak sya sa labi nya marahil ay nasaktan ito.

Natulala na naman ako sa ginawa nya. Napahawak ako sa labi ko at napakagat rito. Ang lambot talaga ng lips ni Andrei kahit may sugat.

“Gusto mo pa?” Tila nang-aasar na sabi ni Andrei sa akin at akmang hahalikan ulit ako nang pinitik ko ang labi nya.

“Aw.” Reklamo nya at sinamaan ako ng tingin.

“B-Buti nga sa’yo. Akin na gamutin ko.” Kinuha ko ang first aid kit sa drawer ng table. Kumuha ako ng bulak at nilagyan ito ng alcohol.

“San ka galing kagabi? Ba’t ka may sugat?” Sabi ko as I gently touch his lips with a cotton.

Ayan na naman ang kuryente sa likod ko. What the hell?

“Why did you stop?” Tanong nya sa akin nang bigla akong tumigil at binaba ang kamay ko.

“Ikaw na gumamot sa sarili mo.” Sabi ko sabay abot ng bulak sa kamay nya. Kinikilabutan ako kapag hinahawakan ko ang labi nya e. Jeeez.

“Tss. I love you, too.” Iling-iling nyang sabi bago nya gamutin ang sarili nya.

Napakagat ako sa kuko ko dahil sobrang kinakabahan ako. Bakit sya nag-I love you sa akin? Aish.

Ayoko ng ganito. Ayoko sa nararamdaman ko. Ayoko.

“Wait! Where are you going?” Pigil nya sa akin.

Bigla kasi akong tumayo e. Gusto kong uminom ng tubig para kumalma ang dibdib ko. Masyado kasi akong kinakabahan e.

“T-tubig.” Sabi ko at dire-diretsong pumunta sa kitchen namin. Agad akong kinuha ang tubig sa loob ng ref at mabilis na ininom ito.

Wala na akong pake kung natatapon na ang tubig sa damit ko. All I want to do is to make my heart calm. Aish.

“Para kang bata kung uminom.”

O__O

Nabitawan ko ang hawak ko sa gulat. Ayan na naman ang heart ko. Pakshet! Kumalma na ‘to ng konti kanina e.

“You, okay?” Akmang lalapit si Andrei sa akin pero pinigilan ko sya.

“W-wag kang lalapit.” Umurong ako palayo sa kanya. Ayokong makalapit sya sa akin dahil baka biglang sumabog ang puso ko sa kaba.

“What the hell?” Naguguluhang sabi ni Andrei at humakbang ng isa palapit sa akin.

“Sabing wag kang lalapit e!” Binato ko sya ng basahan sa mukha at tumakbo papasok sa kwarto namin.

Narinig ko pa syang sumigaw pero wala na akong pakialam.

Ayoko syang makita. Ayoko!

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon