OPERATION 127- Conservative Andrei
Third Person’s POV
Pinagmamasdan lang ni Andrei ang tulog na tulog na si Misty. Napagod kasi si Misty sa paglilinis at pag-aayos ng buong kwarto nila Andrei. Dahil nga nagpapakabait na girlfriend nga si Misty sa leader ng Dark Moon kaya ayan, sinipag maglinis ang O.C.
Nakangiti namang tinititigan ni Andrei ang babaeng nagpapatibok ng puso nya. Natatawa sya kapag nakikita nyang kumukunot ang noo ni Misty kapag naalimpungatan.
Hindi nya alam sa sarili kung bakit sya attracted na attracted kay Misty. Parang may kung ano kay Misty na gustong-gusto nya. Hindi man nya matukoy kung ano ito, isa lang ang sigurado nya.
Mahal nya na ito simula pa nung una nya itong makita.
Noong unang kita nya rito ay hindi nya alam kung bakit bigla na lang tumibok ng sobrang bilis ang puso nya. Dahil hindi nya alam ang nararamdaman nya ay inis na inis sya kay Misty. Palagi nya itong sinasamaan ng tingin dahil sa tuwing nakikita nya ito, hindi mapakali ang dibdib nya sa kakakabog.
Nung una ay sinubukan nyang umiwas rito pero pinagtaksilan sya ng puso nya. Kahit anong iwas nya, nakikita na lang nya ang sarili na hinahanap ang babeng nakakapagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya.
Nagresearch pa talaga sya noon para malaman kung anong nangyayari sa kanya. Pumunta pa sya sa Cardiologist para lang itanong kung bakit ganun ang nararamdaman nya sa tuwing nakikita nya si Misty.
Tinawanan nga lang sya ng doctor na syang kinaiinis nya. Sabihan ba naman kasi syang inlove. Diring-diri pa naman sya sa salitang ‘yun dahil ipinanganak syang walang sweet bones.
Nang araw na nagpafacial si Jesse, nagkaroon sya ng pagkakataong maintindihan ang nararamdaman nya. Lalo na nung sinugod sya ng mga men in black ng mortal nyang kaaway na si Leander Sy. Hindi nya alam pero kinabahan sya lalo na’t kasama nya si Misty. Ayaw nya itong masaktan. Kaya kahit marami ang kaaway, sinubukan nya pa ring lumaban dahil yun lang ang tanging paraan para hindi masaktan ang babaeng nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya.
Kaya naman nung gabi rin ‘yun ay dinalaw nya agad si Misty para masigurado kung ayos lang ba ito. Pero hindi nya inaasahan na magagalit sya ng husto ng mga sandaling ‘yon nang maamoy nya ang pabango na alam nyang lalake lamang ang gumagamit.
Gustong-gusto nyang patayin kung sino mang nagmamay-ari nito lalo na’t naamoy nya ang pabangong ito sa kama ni Misty. Ayaw man nya sa iniisip pero hindi matanggal sa isip nya na baka may lalakeng tinatago ito.
At doon nya narealized na nainlove nga talaga sya kay Misty sa unang tingin pa lang.
Napadako ang tingin nya sa labi ni Misty. Maliit ito na mapula. Napalunok sya nang maalala nya nung una nya itong hinalikan. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya noon. Para bang lahat ng kabang naipon sa dibdib nya noon ay sumabog.
Lalo na nung sya naman ang hinalikan ni Misty. Hindi magkandaugaga ang dibdib nya sa kakakabog. Napakalambot kasi ng labi nito na ang sarap-sarap halikan ‘yun nga lang, hindi sya marunong humalik kaya pinabayaan nyang si Misty lamang ang humalik sa kanya.
Kahit gustong-gusto nyang sabayan si Misty nung mga panahong iyon ay pinigilan nya. Ayaw nyang mapahiya sa babaeng minamahal at baka maturn off ito sa kanya kapag nahalatang hindi sya marunong humalik.
Tinrace nya ang labi ni Misty at nakuryente sya bigla. Hindi na naman nya alam ang nararamdaman nya. May kung anong nagsasabi sa kanya na halikan si Misty pero may nagsasabi naman sa kanya na ‘wag dahil hindi sya marunong humalik.
Nainis sya sa huling naisip nya. E ano naman kung hindi sya marunong humalik? Pwede naman syang turuan ni Misty.
Napangiti sya sa ideya nya. Pagpapractisan nya ng halik si Misty ngayon habang natutulog. Titigil na lang sya kapag nagising at magkukunwaring walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
SonstigesA love story that starts in the wrong place, time and manner.