Dahil nilait ni @blabbermouth08 ang crush kong si Liam, nag-update ulit ako. Nyahaha.
I love you Liam bebe kahit bulol ka sa 'S'. :D
Leander babe sa gilid -------------->
_____________________________________________________________________________
OPERATION 112- We’re Doomed
Misty’s POV
Nang makabalik kami sa Clinic. Nagpanggap akong natakot. Kailangan hindi mahalata ni Andrei na involve ako sa nangyari kanina.
“A-andrei … s-sino ‘yung mga ‘yun? B-bakit gusto nila tayong saktan?”
Tumingin sa akin si Andrei at nagpalinga-linga sa paligid. “Don’t worry. Everything is fine.” Inakbayan nya ako at pinaupo sa upuan na inupuan namin kanina.
“P-paano kung bumalik sila? P-paano ku--”
“Sssh. Wag ka na matakot.” Hinimas-himas nya ang ulo ko at isinandal nya sa balikat nya.
Napangiti ako ng palihim. Siguro naman hindi na ako pagdududahan ni Andrei.
Nasa ganung posisyon kami nang lumabas si Jesse. Lalapit sana sya sa amin pero natigilan sya.
Tinuro nya kami ni Andrei. “A-ano ‘yan?”
Nang marealized ni Andrei ang position namin, agad nya akong tinulak. Tsk. Muntik pa nga akong mahulog sa upuan. Dumadami na ang atraso sa akin ni Andrei.
“A-alis na tayo.” Sabi ni Andrei at nauna nang lumabas ng Clinic.
“Ayos ka lang ba, Misty?” Inalalayan ako ni Jesse na tumayo.
Ngumiti ako. “Oo. Salamat.”
Lumaki ang mata ni Jesse na parang nagulat ata sa sinabi ko. May nakakagulat ba sa sinabi ko?
“Misty? May sakit ka ba?” Hinipo ni Jesse ang noo ko.
“Wala noh?!” Inalis ko ang kamay nya sa noo ko. Feeling ko kasi minamanyak nya ang noo ko.
“Sige landi pa!” Rinig naming sigaw sa amin ni Andrei na masama na naman ang aura.
Natawa si Jesse at inakbayan ako. “Landi pa daw tayo, Misty.” Kinindatan nya ako at inakit sa pamamagitan ng pagdila nya sa lower lip nya. EW.
“Landiin mo sarili mo.” Siniko ko sya sa tagiliran at iniwan syang ngumingiwi sa sakit.
Siniko ko lang sya nasaktan na sya agad? Leader ba talaga sya ng Dark Moon?
Naunang sumakay sa kotse si Andrei. Bakit sya umupo sa 2nd row? Dun ba nya ako pauupuin sa tabi ng Driver’s seat?
Ah baka nga.
Uupo na sana ako sa tabi ng driver’s seat nang sitahin ako ni Andrei.
“Dun ka.” Tinuro nya ang kabilang side ng 2nd row. Bakit nya ako pinapaupo sa tabi nya? I mean sa kahilera nya.
“Pasok na Misty.” Sabi ni Jesse pagkaupo na pagkaupo nya sa Driver’s seat. Napatingin ako kay Andrei na pinandidilatan ako ng mata.
Napalunok ako dahil mas nakakatakot pala kung pandidilatan ka nya ng mata.
Agad akong lumipat sa 2nd row at medyo dumistansya kay Andrei. Wala lang. Nakakatakot kasi sya e.
“Ano ako, driver nyo?” Reklamo ni Jesse dahil syan lang ang nasa front seat. Oo nga naman. Mukha syang driver namin ni Andrei.
“Drive na. Dami pa satsat.” Reklamo ni Andrei kay Jesse.
“Aish. Kainis.” Nasabi na lang ni Jesse at nagdrive na pauwi.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.