Ang lame :/
_______________________________________________________________________________
OPERATION 128- The Reason
Misty’s POV
Virgin si Andrei?
Yan ang katanungan na kanina pa bumagabag sa akin. Actually, hindi naman na sya tanong e. Sinagot na ni Andrei ‘yun kahit hindi ko pa natatanong.
‘I don’t do pre-marital sex’
Virgin pa nga sya.
Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi nya. Akala ko pareho sila ni Jesse na kung sino-sino lang ang kinakama to satisfy their needs pero iba pala si Andrei.
Mukhang hindi ko pa nga lubusang kilala si Andrei. Ang alam ko lang kasi sa kanya ay isa syang bugnuting tao. Mahilig magwala at hobby ang pagtitig ng masama. I didn’t know na may conservative side pala sya and that’s what makes him become more interesting to me.
Gusto ko pa sya makilala. Gusto kong malaman kung ilang side sya meron. Kung may jolly side ba sya or kung ano pa man. I just want to know who the hell is the real Andrei.
“Wife what’s this?” Tanong sa akin ni Andrei pertaining sa sulat ko.
“Tingin nga.” Sabi ko at kinuha ang papel para basahin ito.
Lumapit sya sa akin at nakitingin sa papel. “Ang gulo ng sulat mo, Wife. Wag ka na magdikit-dikit.”
Sinamaan ko sya ng tingin. Kapal nyang laitin yung sulat ko e sya na nga tinutulungan para makapagpasa ng book report.
“Edi ikaw gumawa ng book report mo. Arte mo!” Sabi ko sabay padabog na lapag ng papel sa mesa nya.
“You’re mad?” Tanong nya sa akin na natatawa.
Inirapan ko sya at tinalikuran. Ang arte nya. Mas maganda kaya ang handwriting ko sa kanya.
Narinig ko syang tumawa ng mahina bago yakapin ang likod ko. “Someone is pissed off.”
Mas lalo akong nainis sa kanya nang sabihin nya ‘yun kaya pilit kong tinanggal ang mga kamay nyang nakapulupot sa bewang ko pero mas lalo nyang hinigpitan kaya hindi ko matanggal.
“Tanggalin mo ‘yang kamay mo, Andrei. Inis ako sa’yo.” Sabi ko dahil naiinis ako sa kanya talaga ng sobra.
Ilang oras ko kayang ginawa ang book report na ‘yan tapos lalaitin nya lang ‘yung sulat ko. Nagmamadali kaya ako nyan dahil sabi sya ng sabi na ang tagal ko raw tapos ‘yung naging ganyan na ang resulta, lalaitin nya ang sulat ko? Sinong di maiinis dun?
“Ayaw. Unless …” Bulong nya sa akin na nakapagpakilabot sa buo kong katawan. Ang husky kasi ng boses nya e. Daig pa ang boses ni Leander kapag inaakit ako. “ … you’ll kiss me for five minutes.”
“WHAT?” Agad akong napatayo at napaharap sa kanya. Nakita ko syang nakangising nakatingin sa akin.
Five minutes? Ano ‘yun walang hingahan? Anong feeling nya sa akin may unlimited oxygen sa katawan? At bakit naman sya bigla-biglang nanghihingi ng kiss?
Mabilis nya akong hinila paupo sa sofa na inuupuan namin.
“KYAAAAAH!” Napatili ako nang bigla nya akong dinaganan at niyakap ng mahigpit.
Tatawa-tawa lang syang tumingin sa akin. “You heard me, right? Kiss me. Now. Five minutes.” Sabi nya habang nilalapit ang mukha nya sa namumula kong mukha.
Nakita ko pang gumalaw-galaw ang adam’s apple nya habang papalapit na ng papalapit ang mukha nya.
Tumigil sya sa paglapit nang one inch na lang ang pagitan ng mga mukha namin.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.