OPERATION 106- Psychotic

427 8 6
                                    

OPERATION 106- Psychotic

Misty’s POV

Maaga akong gumising para pumasok. Today is our first day of classes and siguro, today also will be my first encounter with those demons (Dark Moon). At dahil ako si Misty, naghanda ako. Naghanda means, nagpaganda. Kailangan syempreng mapansin nila ako para hindi ako mahirapang i-approach sila. Hindi naman siguro ako mahihirapan dahil ako ata si Misty Montereal, anak ni Amanda Montereal na kilalang Beauty Queen. Syempre namana ko ang ganda ni Mommy kaya nga sa dating school ko e ako ang pinakamaganda. Sayang naman ang ganda ko kung hindi ko magagamit sa ganitong sitwasyon, di ba?

“M-Misty, sabay na tayo pumasok.” Speaking of ganda, etong si … nerd e walang ganda.

Ang losyang nya supeeer. Yung uniform namin na dapat ay knee length, sa kanya, ankle length. Grabe, ngayon lang ako nakaencounter ng nerd na tulad nya. Sa dati ko namang school, yung mga nerd dun e marunong rin mag-ayos kahit papaano pero etong si nerd, ay naku, wag nyo ng tanungin.

“Wala ka na bang ibang uniform?” Tiningnan ko sya mula ulo mukhang paa talaga e. Im not saying na panget sya pero kasi … ang sagwa nyang tingnan.

“H-ha? B-bakit? M-may problema ba sa uniform ko?” Agad nyang tiningnan ang uniform nyang baduy. At nang makuntento sya sa pagtingin, “Ayos lang naman ah.” Inayos nya pa yung makapal nyang salamin at saka ngumiti sa akin.

“Whatever.” Inirapan ko sya at lumabas na ng kwarto.

Habang tinatahak ko ang daan palabas ng dorm namin, hindi nakaligtas sa akin ang mga matang mapanuri na halos suyurin ako ng tingin. Problema nila sa akin?

“Misty, bakit ka nila tinitingnan?” Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

Tiningnan ko ng masama si Nerd kaya napaback off sya. “Bakit ka ba nanggugulat?” Inis na tanong ko sa kanya. Hindi man lang nagsasabi na nasa likod ko lang pala sya all the way tapos bigla-bigla na lang magtatanong. Kung may sakit ako sa puso, namatay na siguro ako.

“S-sorry.” Yumuko sya at ngumuso na parang nagpapaawa. Kala naman nya kinaganda nya ‘yun.

“Aish.” Hindi ko na sya pinansin at dumiretso na sa building kung saan naroroon ang room ko.

Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa room namin, nakakita kaagad ako ng isang hindi kanais-nais na scenario.

“Moooore babe! Aaaah!”

“Oooh faster.”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung isasara ko ba ang pinto at hayaan silang ipagpatuloy ang ginagawa nilang porn show o ipaalam na nandito ako. Paano ba naman kasi halos hubo’t hubad na yung dalawa nang makita ko. Actually, yung babae, nakababa na yung skirt at makaspread ng legs wagas. Kita ko kaya singit nya. EW!

Dahil ako si Misty na mahal ni Leander, naisipan kong hayaan na lang sila sa ginagawa nila. Masaya sila jan e, edi pabayaan.

Akmang isasara ko na ang pinto nang …

“Where do you think you’re going?” Napaigtad ako ng talon sa gulat. Hindi naman ako nagkakape pero pansin ko, nagiging magugulatin ako ngayong araw. 

Dahan-dahan akong lumingon at nanlaki ang mata ko nang makita ko na naman ang lalakeng maharot. Tingnan mo nga naman, ibang babae naman ang kaharutan nya ngayon.

“T-Teka ikaw yung babae kahapon di ba?” Agad syang humiwalay sa babaeng kaharutan nya at mabilis na inayos ang pantalon nya. Lumapit sya sa akin at iniwanan ang babaeng kaharutan nya na nagtatantrums dahil mukhang nabitin ata. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong nya sa akin habang nagsusuot ng polo sa harap ko mismo.

“Hehehe. Sige ituloy nyo na. Lalabas na ako. Hehehe.” Tumalikod ako at lalabas na sana pero mabilis nya akong hinawakan sa braso, “Sabay na tayo.”

Hinila nya ako palabas ng room at binalewala ang pagtawag sa kanya ng kaharutan nya. Tingnan mo ‘to, parang walang ginawang kababalaghan kung kumilos.

“T-teka nga.” Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko at tiningala sya. Matangkad kasi e. Hanggang balikat lang ako. “Bakit mo ba ako hinihila?”

Yumuko sya sa akin at inilapit ang mukha nya sa maganda kong mukha, “Wala lang.” Ngumiti sya ng mapang-akit sa akin.

Agad ko namang nilayo ang mukha ko sa kanya, “Ang panget mo.” Inirapan ko sya at iniwang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

HA! Akala nya maaakit nya ako sa paglapit ng malaswa nyang mukha sa maganda kong mukha? Pwes, sorry sya dahil kahit maghubad sya sa harap ko, hinding-hindi ko sya papatulan. Mas gwapo ata si Leander ko.

Patakbo akong bumalik sa room kung saan naganap yung porn show. Marami-rami ng tao sa loob at wala na yung babaeng porn star kung makabukaka kanina.

Pumwesto ako sa bandang likod dahil medyo puno na yung bandang unahan. Nilibot ko ang tingin ko sa mga lalakeng kaklase ko. Maaaring isa sa kanila ay miyembro ng Dark Moon kaya dapat e pagmasdan ko ang bawat kilos nila.

Napatingin ako sa isang lalakeng nakaupo sa pinakadulo sa likod. Bale nasa magkabilang dulo kami. Sya lang mag-isa at masasabi kong ang creepy nya.

Nakatingin sya sa akin na parang kakainin nya ako or what. Basta nanunuot ang tingin nya na para bang isang maling kilos mo lang ay papatayin ka nya. Nakakatakot.

Agad akong umiwas ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Tingin pa lang nya nakakatakot na. Paano pa kaya kung magsalita sya?

Sana hindi sya miyembro ng Dark Moon dahil kung isa man sya sa mga yun, parang gusto ko na atang magback-out.

Nagsimula ang klase at mabuti naman hindi na nagpakilala or introduction pa. Nagstart na kasi ng lesson si Mam Laura. Hindi ko magawang magconcentrate dahil nararamdaman ko na may nakatitig sa akin. Unti-unti kong pinapakiramdaman yung creepy na lalake sa dulo. Hindi ko man sya tingnan pero nakikita ko sya sa peripheral vision ko na nakatingin pa rin sya sa akin.

Naramdaman ko na lang na nanginginig na pala ang mga kamay ko kaya hindi ako makapagnote taking ng maayos.

Ano ba ‘tong lalake na ‘to? Bakit ganun sya makatingin sa akin? Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah?

“Miss Montereal, okay ka lang ba?” Nagulat na lang ako ng tanungin ako ni Mam Laura na nasa unahan ko na pala.

“Ugh, yes Mam.” Pinilit kong ngumiti para maging kapani-paniwala pero sa totoo lang, hell no.

May lalakeng creepy na masamang nakatitig sa’yo sa tingin mo magiging okay ka? Never! Daig nya pa talaga ang tinging ipinukol sa akin ni Leander kagabi. Mas nakakatakot.

“Bago ko makalimutan class, bago nyo palang kaklase si Miss Montereal. Ipakilala mo ang sarili mo sa unahan.” Napanganga na lang ako sa inutos ng teacher sa akin. Akala ko wala ng introduction e. Ba ‘yan!

Tumayo ako at marahang naglakad sa unahan. Huminga ako ng malalim at pinilit wag tumingin sa lalakeng creepy sa likod.

“A-Ah h-hi! I’m …” Nagdadalawang isip ako kung ano ipapakilala ko, kung Mystery ba o Misty. Baka kasi pagtawanan nila ang pangalan ko kaya, “Im Misty Montereal. I came from Red Knights Academy an--” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagdabog yung lalakeng creepy sa likod.

Tumayo sya at itinumba yung mga katabing upuan nya saka lumabas ng room. Bago sya makalabas, nakita ko na pinukulan nya ako ng masamang tingin bago nyang padabog na isara ang pinto.

Nagkatinginan kami ni Teacher Laura at sinabi sa akin na ituloy ko ang introduction ko. Gaya ng inutos sa akin, itinuloy ko nga. Nang makaupo ako sa seat ko, hindi ko maiwasang magtaka sa inasal ng lalakeng yun.

Sayang sya. Gwapo na sana e ...

Psychotic lang. 

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon