Author's Note:
Pilit na update :/
Sorry if i didn't justify your waiting :'(
_________________________________________________________________________
OPERATION F- Kakalimutan din
Misty’s POV
“Shit, Mishty! Amishu!”
Pagkalabas na pagkalabas namin ni Leander ng airport, sigaw ni Liam ang agad na sumalubong sa amin. Kasama nito sina Tee at Carlsberg.
Natawa kami pareho ni Leander sa inasal ni Liam. Agad kong sinalubong ang bestfriend ko at saka sya niyakap ng mahigpit.
“Waaah! Liam you’re so gwapo na! Gahd! Hindi kita nakilala!” Sabi ko sa kanya nang magbitaw kami.
“Gwapo naman talaga ako dati pa. Bulag ka lang noon. Ikaw nga, Mishty, ang ganda ganda mo lalo. Bagay na bagay talaga tayo kung hindi lang ako loyal sha Ree ko.”
“Ayan ka na naman, Liam! Tigilan mo nga si Misty sa mga kagaguhan mo!” Saway ni Tee nang makalapit sya sa amin. “Pre!” Nakipag-high five si Tee kay Leander.
“Leche! Palibhasha mash gwapo ako sha’yo kaya bitter ka sha akin. Tara na nga Mishty babe!” Inakbayan ako ni Liam para sana isakay sa sasakyang dala nila pero biglang may humila ng laylayan ng damit ni Liam.
“That’s my Mom!” Hinila ni Lenard ang laylayan ng t-shirt ni Liam at pinalo ang pwetan nito.
Nagulat si Liam sa ginawa ni Lenard at tumingin sa akin. “E-eto na ‘yung anak nyo ni Leander?”
Tumango ako at binuhat si Lenard. “Baby, say hi to uncle Liam.”
Ngumuso lang si Lenard at kumaway. Manang-mana kay Leander. Suplado sa ibang tao.
Agad na pinagkaguluhan nina Tee at Carlsberg si Lenard hanggang sa makauwi kami sa bahay nila Leander, si Lenard pa rin ang bida. Ang cute nga dahil ang saya-saya nilang tingnan at si Lenard, mukhang enjoy na enjoy sa pakikipag-usap kay Tee. Si Tee lang kasi ang nag-i-english. Si Liam, naku! Wag ng asahan. Hahaha.
“Mishty, halika.” Tawag sa akin ni Liam nang lumabas ako sa living room para iakyat ang natitirang gamit na hindi pa namin naiaakyat.
“Bakit? Nagugutom ka ba?”
Umiling sya at kinunotan ako ng noo. “Nagkita na ba kayo ni Andrei?” Bungad nya sa akin na nakapagpairap sa akin.
Sa dami-rami ng tanong, ‘yun pa talaga ang ibinungad nya di ba?
“May rason ba para magkita kami?” I sarcastically asked him.
“W-wala naman. Kaya lang … kapag nagkita kayo ulit, paano?”
Ibinaba ko ang bag ni Lenard na iaakyat ko sana. “You know Liam, kahit magkita kami ni Andrei, wala na sa akin ‘yun. Okay na ako sa buhay ko. I’m happy with Leander and besides, I bet he’s happy too with his life and I don’t give a damn to that.” Sa dami ba naman nyang babae noon, hindi pa ba sya masasayahan? With his money and girls? That’s what all the guys wanted and he’s lucky coz he has both. Money and girls.
“Nagsosolo kayo dyan?”
Napalingon kami kay Leander na karga si Lenard na mukhang mahimbing na ang tulog.
“Ah wala. Nanghihingi lang ng pasalubong sa akin.” Palusot ko kay Leander. “Liam, nasa taas ang bagahe ko e. Mamaya ko na lang ibibigay ‘yung pasalubong mo.” I winked at him bago umakyat sa kwarto.
Hindi naman sa may itinatago ako kay Leander pero kasi … baka magtampo na naman sya at kung ano na namang isipin kapag nalaman nyang pinag-uusapan namin si Andrei.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.