Pretty Misty sa side -------------->
_____________________________________________________________________________
OPERATION 116- Ikaw kasi e!
Misty’s POV
Pinaikot-ikot ko ang hawak kong ballpen habang sinasagot ang long exam namin sa English. Kanina pa ako nahihilo sa kababasa ng mga tula at pag-iinterpret nito. Bakit nauso pa kasi ang Old English ni Shakespeare?
Kaloka!
Hindi ko magets! Kailangan ko ang utak ni Tee ngayon. Sya kasi ang gumagawa ng assignments ko pagdating sa mga ganito noon.
Kahit nakakabwisit si Tee, nakakamiss rin pala sya.
Naagaw ang pansin ko nang may nambato sa akin ng papel. Agad ko namang nilingon kung sino ang nambato pero sana pala hindi ko na lang nilingon.
Inirapan ko sya at nagbalik sa pagsagot ng exam.
Maya-maya, kinalabit ako ng kaklase ko sa likod. Inabot nya sa akin ang papel na binato ni Andrei.
Tiningnan ko muna si Andrei bago buksan ang papel. Masama na naman ang tingin nya sa akin at pinandidilatan pa ako ng mata.
Kung itatanong nyo kung anong nangyari nung isang gabi about sa panunuod namin ng sine, well, sasabihin ko lang sa inyo na magkagalit kami ni Andrei simula kahapon hanggang ngayon dahil wala akong napala sa kanya.
Inis na inis ako sa kanya. Para kasing tanga. Excited na excited akong makita ang abs ni Taylor Lautner at marinig ang mga nakakakilig na dialogue ni Robert Pattinson pero ang baliw na si Andrei, gustong matulog ng habambuhay sa taxi.
Pinayagan ko na nga syang bumalik kami ng Crescent nun pero nung makabalik kami ng mall, pinabalik na naman nya kami sa Crescent.
Buti kung ganun lang e pero habang pabalik-balik kami sa mall at Crescent, natutulog sya sa lap ko. Ang bigat kaya ng ulo nya at imagine, namanhid ng bongga ang mga hita ko.
Wala na nga akong napala sa pagsama kay Andrei, sumakit pa ang mga hita ko.
I really hate him talaga!
Pinaasa nya ako sa abs ni Taylor!!!
Binuksan ko ang papel na hawak nya at binasa ang nakasulat rito.
Hindi pa tayo bati.
Tumaas naman ang kilay ko nang mabasa ang sulat nya. Sino bang nagsabing bati na kami? Asa sya! Sya pa talaga ang may ganang magsabi ng hindi pa kami bati e ako nga ang galit sa kanya.
Nilukot ko ang papel at tinapon sa malapit na basurahan sa akin. Hindi ko na pinansin ang violent reaction ni Andrei sa ginawa ko at pinagpatuloy na lang ang pagsagot ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagsagot nang batuhin na naman nya ako ng papel. Hindi ko ito pinulot bagkus nagtaas pa ako ng kamay para matawag ang atensyon ng teacher namin.
“Yes, Ms. Montereal? Problem?” Agad na lumapit si Mam Aragon sa akin.
Ngumisi muna ako kay Andrei bago tinuro ang papel na binato nya sa akin.
Kumunot naman ang noo ni Mam Aragon at marahang pinulot ang papel.
“T-teka!” Tumayo si Andrei at akmang pipigilan si Mam Aragon pero huli na ang lahat. Binasa na ni Mam Aragon sa buong klase ang laman ng papel.
“Nood tayo sine? Is this from you, Mr. Crescent?” Tanong ni Mam kay Andrei? Crescent ang apelyido ni Andrei? Kanila ba ‘tong school?
“Tsk.” Sinamaan muna ako ng tingin ni Andrei bago nya nilipat ang tinging ‘yun sa teacher namin. “Mind your own business.” Galit na sabi nya kay Mam Aragon sabay hablot ng papel sa kamay nito.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.