OPERATION 121- Ashamed of me

359 7 4
                                    

Misty and Andrei while riding motorbike. ------------------->

I stand corrected by @blabbermouth08.

Haha. Thank you.

_____________________________________________________________________________

OPERATION 121- Ashamed of me

Misty’s POV

Tulala pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko kaya i-sink in sa utak ko na may dalawa akong boyfriend ngayon. Buti kung si Leander lang e pero may isa pang pinagpipilitang boyfriend ko na raw sya. Parang ang labas tuloy e parang nirape nya ako at pinagpipilitan nyang pananagutan nya ako kahit ayoko.

Saan ka nakakita ng rapist na gustong panagutan ang ginawa nya?

“Suotin mo. Ayoko mamatayan ng girlfriend.” Sabi nya sa sabay suot ng helmet nya sa akin.

Girlfriend.

Girlfriend.

WAAAAAAAAAAAAAAH! Girlfriend na nga nya ako. Bakit kasi ang galing nya magdefend? Bakit hindi na lang sya maglawyer at doon nya gamitin ang galing nya?

Paano kapag nalaman ni Leander ‘to?

WAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Paano kapag nakipagbreak si Leander sa akin dahil dito? Anong gagawin ko?

AYOKO! Hindi pwede! Hindi nya pwedeng malaman ang tungkol dito. Hindi pwede!

“Mystery? Kumapit ka ng maiigi. Tandaan mo, ayoko mamatayan ng girlfriend.” Sabi nya sa akin bago paandarin ang motor nya.

Doon na ako tuluyang natauhan. Sa sobrang tulala ko, hindi ko namalayang nakayakap na ako sa likod ni Andrei habang sakay-sakay sa motor nya.

Dahan-dahan lang ang pagpapaandar nya kaya nakakuha ako ng pagkakataong tingnan sya sa side mirror.

Nakangiti syang nakatingin sa harap kaya naiinis ako. May gana pa syang ngumiti sa lagay na ‘to samantalang ako nagluluksa sa mga pwede pang mangyari in the future.

Haaays.

Kasalanan ko ‘to e. Dapat talaga nung una pa lang ay lumayo na ako kay Andrei. Edi sana hindi nangyari ang mga ito.

Imagine, within 2 weeks, nagkaroon na agad ako ng boyfriend sa Crescent University. It proves lang talaga na maganda ako.

Aish.

Ang laki na nga ng problema ko nakuha ko pang purihin ang sarili ko. Nahawa na ako sa pagiging conceited ni Liam.

Tama!

Si Liam. I must consult this to Liam.

“Wife, we’re here.” Sabi ni Andrei sabay tanggal ng helmet nya.

“Ah oka—HA? Ano?” Agad kong tinanggal ang helmet ko pagkatapos kong marinig kung anong tinawag nya sa akin.

What the hell?

Ano raw?

W-wife?

Asawa agad?

“Sabi ko nandito na tayo.” Inis na sabi nya sabay patay ng engine ng motor nya.

“N-no. Yung tinawag mo sa akin kanina. Ano ‘yun?” Hindi mapigilan ng noo ko kumunot.

Parang gusto ko sakalin si Andrei ngayon din.

“Ah …” Ngumisi sya sa akin at bahagyang namula. “Wife?” Tumaas ang kilay nya na parang sinasabi na ‘may reklamo ka?’

“W-Wife?” Hindi ko makapaniwalang sabi. “Asawa agad? Andrei hindi pa tayo kasal at saka di ba ang sa--”

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon