OPERATION 131- Ang Mahaderang si Patty

353 8 19
                                    

Author's Note :

Nag-update ako ng maaga kasi baka mamaya ay hindi ako makapag-update sa gabi. Nadala na ako kanina e. Hindi ako nakapasok dahil alas dose na ng tanghali ako nagising.

Ate @jei_yu next chap na ang regalo mo. Ayaw ilabas ni Finn. Nainlove ata sa gift mo. Nyahaha.

@blabbermouth08 sagutin mo na si Liam. Parang awa mo na please!!! Hahaha.

_____________________________________________________________________________

OPERATION 131- Ang Mahaderang si Patty

Misty’s POV

Hindi ako pinansin ni Andrei ng mga sumunod na araw. Ni hindi nya ako binabalingan ng tingin sa tuwing magkakasalubong kami.

I find it weird and O.A. Para syang ewan. I mean, ang babaw ng kinakagalit nya. Parang bumili lang sya ng napkin sa grocery at nalamang hindi pala ako nireregla, nagalit na sya? Ang childish nya, sobra.

Bahala nga sya.

Kung hindi nya ako papansinin edi hindi ko rin sya papansinin. Madali lang ako kausap. At saka, mas mabuti nga ‘yun. Hindi ko na kailangang iwasan sya kasi sya mismo ang umiiwas. Ginagawan nya lang ako ng pabor.

“Tabi nga.” Sabi nya sabay bunggo sa balikat ko nang magkasabay kaming pumasok sa pintuan ng library.

Tiningnan ko sya ng masama pero inirapan nya lang ako. Isip bata.

Tinalikuran ko na lang sya at pumunta sa Filipiniana section. Hahanapin ko ang librong pinapabasa sa amin ng teacher namin.

Nilapag ko ang bag ko sa bakanteng table at iniwan ito para simulan na ang paghahanap. Sinuyod ko ang buong shelf ng Filipiniana section at nakita ko sa pinakataas na shelf ang hinahanap ko.

Aabutin ko na sana pero may mas naunang mag-abot nito. Sinundan ko kung kaninong kamay ang may hawak ng librong ‘yun at nadismaya ako ng makita ko ang mukha ni Andrei na nakasmirk. Pang-asar.

Inirapan ko na lang sya at inis na lumabas ng library. Ang epal ni Andrei sobra. Nung isang araw halos hindi nya ako tingnan tapos kahapon iniirap-irapan nya na ako tapos ngayon, iniinis na nya ako.

Bakit ang childish ni Andrei? Kainis.

Naglalakad ako sa hallway papunta sana sa field para manuod ng practice ng soccer nang makita ko si Finn na tawa ng tawa sa ilalim ng puno. Nilapitan ko nga dahil mukhang good vibes sya e. Baka mahawaan nya ako ng pagkagood vibes nya.

“… cute mo talaga.” Naririnig kong hagikgik ni Finn habang papalapit ako sa kanya. Ano naman kayang pinagkakaabalahan nito.

“Hi Finn.” Nginitian ko sya at umupo sa tabi nya.

“Hi Misty!” Nginitian rin ako ni Finn saka hinarap ang ibong nasa hawla na nasa tabi nya. “Misty, sya si Patty. Patty, si Misty.” Natawa ako nang ipakilala ako ni Finn sa ibon nyang makulay. Ang animal lover talaga ni Finn.

“Hello Misty. Hello Misty.” Nagulat ako ng biglang nagsalita ‘yung ibon. Parrot ito.

“Ang cute~” Inagaw ko kay Finn ang hawla at hinarap si Patty. “Ang cute mo naman Patty.” Sabi ko kay Patty dahil ang cute nya talaga. First time kong makaencounter ng parrot. I thought kasi hindi totoong nagsasalita sila pero ngayon, naniniwala na ako. Ang cute nila.

“I know. I know.” Natawa kami ni Finn sa biglaang sagot ni Patty. Mahaderang parrot. Alam na cute sya.

“Finn, ang cute ni Patty. Sobra.” Tuwang-tuwang sabi ko. Natanggal bigla ang pagkairita ko kay Andrei dahil kay Patty. Hindi ako nagkamaling puntahan si Finn.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon