OPERATION D- Weird

288 7 3
                                    

Author's note:

Short lang ulit kasi meyo masama ang pakiramdam ko. Bawi na lang ako sa next update. Yung POV ni Andrei ... i'm not sure kung gagawin ko pa sya kasi wala ng thrill kapag nalaman nyo na 'yung saloobin nya. Hehehe~ Sorry na. 

Saka ewan ko kung bakit naging ganito ang update ko. Dala na rin siguro ng pakiramdam ko. Hehehe~ 

_____________________________________________________________________________

OPERATION D- Weird

Misty’s POV

“You’re leaving?” Tanong ko kay Leander nang tumayo na sya mula sa pagkakaupo sa dining table. Nagmadali nyang niligpit ang pinagkainan namin at inilagay sa sink.

“Yes babe.” Sabi nya nang makalapit na sa akin at nagmadali akong halikan sa noo.

“Uwi ka ng maaga.” Sabi ko at sumunod sa kanya palabas ng bahay.

Huminto sya sa paglalakad at humarap sa akin. Binigyan nya ako ng apologetic look at mukhang alam ko na ang isasagot nya. “Sorry. Pupunta pa ako sa office after school. Kelangan ako ni Tito e. Okay lang?” Niyakap nya ako para lambingin.

Ganyan ‘yan e. Kapag alam nyang nadidisappoint ako, nilalambing nya ako.

Napabuntong hininga na lang ako at ano pa nga ba? “Fine. Kapag tapos ka na sa work mo, uwi ka kaagad. Hintayin kita.” Sabi ko na nakasimangot.

“Wag mo na ako hintayin dahil sobrang gagabihin ako.”

Napairap ako and let out a heavy sigh. “Fine. Sige umalis ka na.”

Napakamot na lang sya ng ulo sa inakto ko at iniwan ako. Pero bago nya ako iwan, sinabi nyang, “Sige na nga. Uuwi na po ng maaga. Tampuhin.” Natawa ako habang umaakyat papunta sa kwarto namin.

Isang taon mahigit na kaming naninirahan ni Leander dito sa U.S. We lived here as if we were married. Pareho kaming nag-aaral dito pero sya, pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho sa kompanya ng kapatid ni Tito Xander. He wants to work daw kasi para mahanda sya sa pag-aasawa at para hindi na rin umasa sa mga padala ng mga parents namin. I gladly accepted that idea noon pero ngayon, parang ayoko na. Bumabalik na naman kasi ako sa dating ako na kahit isang saglit lang, ayaw mapahiwalay sa kanya. Hindi ko alam kung kelan at paano nangyari pero narealize ko na lang one day na mahal ko na sya ulit. Na bumalik lahat-lahat ng love ko para sa kanya. Hindi ko na nga rin naiisip si Andrei at kahit paulit-ulit ko pang banggitin ang pangalan ni Andrei, wala ng epekto sa akin unlike first few months na tumuntong kami rito sa U.S. na hirap na hirap makamove on sa kanya.

The good thing about me, kapag sinabi ko, gagawin ko lalo na kapag gustong-gusto kong gawin. Desperada talaga ako noon na kalimutan si Andrei na halos gabi-gabi akong nagtetake ng sleeping pills para makatulog na lang sa tuwing naiisip ko sya. And I think it worked.

Humiga ako sa kama ko at niyakap ang unan ni Leander. Napangiti ako nang maamoy ko ang amoy nya. Ang sarap singhutin. Nakakaadik. Natawa na lang ako dahil feeling ko, obsessed na ako sa kanya. Ewan ko ba?!

Bago pa ako mabaliw sa amoy ni Leander, pinilit kong bumangon at maligo na lang. Papasok na lang ako ng maaga sa school since wala rin naman akong magawa sa bahay. Sana pala sumabay na lang ako kay Leander pumasok.

First year college kami pareho ni Leander. Dapat ahead sya sa akin ng isang taon pero tumigil pala sya sa pag-aaral noong naaksidente ako kaya ayan, sabay kami ngayon. Magkaiba lang ang course namin dahil kumuha ako ng fashion designing samantalang sya, business related ang course.

Natutuwa ako dahil naging maayos kami ni Leander dito. Wala kami naging problema simula nang tumuntong kami dito. Never kaming nag-away at most of the time, lambingan ang ginagawa namin. Naging sobrang sweet sa akin si Leander hindi katulad noon na ako ang mas sweet. Sobrang masaya ako sa takbo ng relasyon namin ni Leander at sa tingin ko, no one can break us again. Kahit ilang Andrei pa ang dumating sa akin, sisiguraduhin kong hindi ako bibigay. Subok ko na si Leander. He’s the one for me and I know, we are really meant to be.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon