OPERATION A: The right thing
Leander’s POV
“Wala na sila.” Bungad sa akin ni Tee nang makatungtong ako sa floor kung nasaan ang ward ni Misty. Sakto lang pala ang dating ko.
Tinapik ko si Tee sa balikat bago naglakad patungo sa kwarto ni Misty. Kinapa ko ang mga litrato na itinago ko sa bulsa ko matapos kong mapaprint kanina. Napangiti ako at nanabik sa magiging reaksyon ni Misty matapos nya itong makita.
Binuksan ko ang pinto at napangiti nang makitang gising na si Misty. Nakaupo ito at tulalang nakatitig sa katapat na dingding.
“Hi.” Tipid kong bati sabay pasok ng ward nya. Naagaw ko ang atensyon nya at yumuko nang makitang ako ang pumasok ng kwarto nya.
Hindi ko na lang pinansin ang inakto nya. Nilapag ko na lang ang dala kong prutas sa katabi nyang mesa at umupo sa tabi ng kama nya.
“How are you?” Nakangiti kong tanong sa kanya.
Ngayon na lang kasi ako nakadalaw sa kanya dahil ang mga parents nya, 24/7 ang pagbabantay matapos magkamalay ni Misty kaya hindi ako makapasok dito. At saka, medyo busy rin ako sa pag-aasIkaso ng future namin ni Misty.
“L-leander.”
Napangiti ako nang muli nyang banggitin ang pangalan ko. Ibig sabihin, naaalala nya ako. Wala syang amnesia.
“S-sorry.” Umpisa nya. “I-I’m sorry.” Bigla na lang syang umiyak kaya niyakap ko na lang sya.
“It’s okay.” Sabi ko habang pinapat ko ang likod nya.
“N-no. I-I betrayed you. Y-you loved me pero anong ginawa ko? I-I’m sorry talaga, Leander. I’m sorry.” Iyak nya sa akin.
“Ssssh.” Hinarap ko sya sa akin at hinalikan ang noo nya. “Kalimutan mo na ‘yun. It’s all in the past. Let’s start all over again.”
Napalunok sya sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin.
“L-leander … uhm …?” Bulong nya sa sarili habang pinupunasan ang luha nya sa pisngi.
“Bakit? Hindi ba tayo pwedeng magsimula ulit?”
Agad syang tumingin sa akin. Sinasabi ko na nga ba.
“I-I’m sorry talaga, Leander. I-I didn’t mean to fall in love with him. I-It just ha--”
Agad kong nilapag sa harap nya ang pinakaiingatan kong mga litrato. Natigil sya sa pagsasalita nang unti-unti nyang makilala ang nasa litrato.
“Ngayon mo sabihing mahal mo ang gago na ‘yan.” Naiiling kong sabi sa kanya patungkol sa mga litrato.
Nanlaki ang mga mata nya at unti-unting nagsituluan ang mga luha nya. Paano, ang pinakamamahal nyang lalake, ang lalakeng ipinagpalit nya sa akin, nasa litrato na may iba’t ibang babaeng kahalikan. Akala ko mahihirapan ako sa pinaplano ni Tee. Sabi nya kasi sa akin na kapag tinanong ni Misty sa akin si Andrei, siraan ko para hindi na hanapin pang muli ni Misty pero hindi ko inaasahan na hindi ko na kailangan pang magsinungaling para matupad ito.
Noong pumunta ako sa club na pagmamay-ari ng kaibigan ni Papa para magpalipas ng oras, hindi ko inaasahan na makikita ko si Crescent doon. Susugurin ko sana pero napaurong ako. May kumandong kasi bigla sa kanya at ayun, naghalikan sila. Nagulat ako syempre. Akala ko nagmamahalan sila ni Misty pero … mukhang naloko lang si Misty. Galit rin ako syempre kasi mahal ko si Misty e. Nagawa nya akong iwan para sumama sana sa lalakeng ‘yun pero eto lang pala ang mapapala nya?
Buti na lang at hindi lobatt ang phone ko nun kaya kinuhaan ko kagad ng litrato. At ngayon nga, mukhang nakikita ko na ang tagumpay na sinasabi ni Tee noon.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
AcakA love story that starts in the wrong place, time and manner.