OPERATION 136- Hindi na kilala

336 7 7
                                    

Author's Note:

Magulo sya, i think. Sana e magets nyo ang nangyayari kasi hirap na hirap ako kung paano ko sya ikukwento. Waaaah. Huhuhuhu. 

Pagtiyagaan nyo na lang. Sorry.

_____________________________________________________________________________

OPERATION 136- Hindi na kilala

Misty’s POV

“Magbanlaw ka kaagad ah? Baka sipunin ka.”

“Oo na. Para naman akong bata.” Natatawa kong sabi kay Andrei bago buksan ang pinto ng dorm namin.

“Tss. Stupid ka kaya.” Iiling-iling nyang sabi sabay tulak sa akin papasok.

“Hindi ako stupid, okay? Baka ikaw.” Irap ko sa kanya. “Pasok ka?” Aya ko sa kanya para pumasok sa dorm namin.

“Di na. Lilinisin pa namin ‘yung pool. Gagamitin kasi ‘yun bukas ng umaga.”

“Edi ipalinis mo sa mga janitor nyo. Kaya nga may janitor para may taga-linis e.” Bakit sya pa ang maglilinis e sa kanila naman ‘tong school. Minsan yung utak ni Andrei nasa talampakan e. Hindi ko mareach sa sobrang katangahan. Joke.

Pinitik nya ang noo ko at ginulo ang buhok kong basa pa rin hanggang ngayon. “Iistorbohin ko pa sila e tulog na ‘yung mga ‘yun. Mag-isip ka nga.” Inirapan nya ako at tinulak muli papasok sa room namin. “Good night.” Ninakawan muna nya ako ng halik sa labi bago ako saraduhan ng pinto.

Natatawa na lang ako na nailing sa ginawa ni Andrei. Ewan, bigla akong kinilig. Ang labo ko.

“Misty.”

O_O

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses na ‘yun. Mariin akong napahawak sa door knob at napakagat ng labi sa sobrang kaba.

Nakita nya ba?

Unti-unti syang lumapit sa akin at habang papalapit sya, unti-unti kong naramdaman ang madilim nyang aura.

“Ano ‘yung nakita ko?” Tanong nya sa akin nang tumigil sya sa harap ko at tiningnan ako ng diretso. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nya.

Nakita nya kami ni Andrei.

“SAGUTIN MO AKO!” Sigaw ni Leander sa akin sabay mahigpit na hawak sa magkabilang braso ko.

“L-leander …” Yun lang ang tanging nasambit ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam kong galit na galit na sya sa akin.

Kapag ganito sya, alam kong pinipigilan lang nya akong saktan pero sukdulan na ang nararamdaman nyang galit.

At natatakot ako.

“SAGUTIN MO SABI AKO E!” Niyugyog nya ako ng sobrang malakas. Napaiyak ako hindi dahil sa nasasaktan ako kundi sa sobrang takot na nararamdaman ko.

“TANG-INA!” Marahas akong tinulak ni Leander at napahiga ako sa kama ni Jessica. Buti na lang at wala si Jessica kundi … ewan ko na lang.

“Tang-ina, Misty! Putang-ina!!!” Sigaw nya at itinumba lahat ng mga gamit na nakikita nya. Marahas nya hinawakan ang mukha ko at God who knows kung gaano kasakit ang pagkakahawak nya. “Kaya ba nag-aalinlangan kang magpakasal sa akin dahil sa putang-inang Andrei na ‘yun? Kelan pa naging kayo? Kelan pa?!” Pinanlisikan nya ako ng mata pero hindi nakaligtas sa akin ang mga luhang rumaragasa pababa sa kanyang mga mata.

Hindi ako nagsalita bagkus nag-iwas na lang na tingin. I hate to see him like this. I used to love him kaya nasasaktan akong makita syang nagkakaganito. Mahal ko pa rin naman sya pero … may bawas na.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon