OPERATION 125- Kainis!
Jesse’s POV
“JESSE! DRAG HER OUT OF HERE!” Sigaw ni Andrei tukoy sa nurse na nasa harap nya.
Sinenyasan ko si Finn na palabasin ‘yung nurse. Mabilis namang sumunod ang bata.
Tangena! Pang-ilan na ba ‘to? Parang gago naman kasi ‘tong mga nurse na ‘to e. Halatang ayaw sa kanila ni Andrei pero pilit pa rin inaakit ng mga ‘to.
Naalala ko nga ‘yung kanina nurse, tawa ako ng tawa nang muntik nang sapakin ni Andrei sa mukha ‘yun. Paano ba naman kasi habang chinicheck yung blood pressure ni Andrei, may pagpisil sa braso na ginawa ‘yung nurse kaya agad nag-init ang ulo ni Andrei. Buti na lang at naawat ko kundi basag ang mukha nung nurse na ‘yun.
Kung ako na lang ang inaakit nila edi hindi lang sila nasiyahan, nasarapan pa. Tss.
“Jesse! Call my wife. Ayoko na dito!” Ginulo nya ang buhok nya at frustrated na humiga sa kama. Ayaw kasi ni Andrei magpadischarge kung hindi si Misty ang kasama nya.
Nabaliw na nga kay Misty ang isang ‘to.
Tinawagan ko si Wife ay este si Misty pero out of coverage ang linya nya.
Umiling ako kay Andrei at nagets naman nya ‘yun kaya binato nya ng unan si Finn. Sapol ang mukha nito kaya ngumuso na lang ang bata bago dinampot ang unan na pinambato sa kanya.
“Kundi dahil sa lecheng nurse na ‘yun di naman magagalit si Mystery e. Humanda sa akin ‘yung nurse na ‘yun kapag nakita ko sya ulit. Fuck! Arrrrgh.” Andrei said with his gritted teeth.
Katakot.
“Ano ba kasing sabi nung nurse na ‘yun at galit na galit ka? Saka bakit naman nagalit si Misty? Ang labo mo, pre. Di ko gets e.” Sabi ko bago kumamot ng ulo.
Umupo ng maayos si Andrei at tumingin ng diretso sa akin.
Ginulo nya muna ang buhok nya bago sya magsalita. “Nilait nya si Mystery at … at … fuck!” Namula sya at pinagsisipa ang mga unan na nasa bandang paanan nya.
“At ano?” Tanong ko.
“P-pinahawak nya sa akin ang … ang …” Umiwas sya ng tingin at napainom ng tubig bago ituloy ang sasabihin nya. “ang ANO nya.” Napapikit pa sya habang tinuro ang bandang dibdib nya.
Nanlaki ang mata ko. Cool~
“Tangena Drei! Nasaan ‘yung nurse na ‘yan? Pakilala mo ako shet!”
Agad akong binato ni Andrei ng unan. “Gago!” Kinamot nya ang ulo nya at problemadong tumingin sa akin. “Wag nyong sabihin kay Mystery ah? Baka magselos ‘yun.”
“Pag sinabi ko ba kay Misty ‘yun, magbebreak kayo?” Sabat ni Finn na may kislap ang mata.
Sinamaan sya ng tingin ni Andrei. “Sinong nagsabing magbebreak kami?” Tumayo na si Andrei at akmang lalapitan si Finn pero agad kong pinigilan.
“Hoy Pin! Tangena mo lumayas ka nga dito.” Akmang babatuhin ko sya ng flower vase kaya agad na lumabas ng pinto si Finn. Gago ‘yung batang ‘yun.
Umupo ako sa tabi ni Andrei at inakbayan sya. “Yun na ‘yun? Nag-away kayo dahil dun? Di ba hindi naman nya alam yung ginawa sa’yo ng nurse? Bakit sya nagalit?”
Ginulo nya ang buhok nya at ngumuso. YAK! Parang si Finn na rin ‘to. Ang bading shet!
“Akala nya siguro basta lang akong nagalit. Sabi nya pagod na raw syang alagaan ako. Di na ba nya ako mahal?”
Napanganga ako sa tanong ni Andrei. Pota! Ang bading! Shet! Kung hindi lang siguro seryoso ang mukha ni Andrei kanina ko pa ‘to tinawanan.
“Jesse, ayaw na ba nya sa akin? Maghahanap na ba sya ng iba? Yung hindi nakakapagod alagaan?” Sunod-sunod nyang tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.