OPERATION 111- Failed Plan

396 8 12
                                    

Miss na raw ni @blabbermouth08 ang update ko kaya nag-update ako ngayon.

Nyahaha :D

Misty and Andrei after the fight with Men in black. ----------->

_____________________________________________________________________________

OPERATION 111- Failed Plan

Misty’s POV

Pumasok na si Jesse sa clinic kung saan sya magpapafacial. Iniwan nya kami ni Andrei sa receiving area ng clinic. Syempre, bago sya pumasok sa clinic e hinarot nya muna ‘yung receptionist. Ang landi talaga ni Jesse. Hindi sya tumulad kay Andrei na ang laki ng galit sa mundo. Daig pa ang babaeng nagmemenopause.

Tumayo si Andrei at nakasimangot na tumingin sa akin. Problema nito? Sinamaan nya ako ng tingin sa hindi ko malamang dahilan. Nasasapian na naman ba ‘to?

“Tsk.” Kinamot nya ang ulo nya at umupo ulit sa tabi ko. Isa lang ang napatunayan ko. Weird sya.

Maya-maya ay tumayo na naman sya at masama na namang tumingin sa akin. Seriously, baliw ba ‘to?

Nilukot nya ang mukha nya at tumayo sa harap ko.

“Problema mo?” Nagulat ako nang tanungin nya ako. Ako pa ang may problema e sya nga ‘yung hindi mapakali jan.

“Wala akong problema.” Inirapan ko sya at tinalikuran.

“Aish.” Hinawakan nya ang balikat ko at iniharap ako sa kanya.

“Ano na naman ba?” Tiningnan ko sya ng masama pero agad ko ring binawi kasi mas masama syang tumingin sa akin.

“Tsk.” Kumamot na naman sya sa ulo nya pero this time nagstomp sya ng foot.  Umupo ulit sya pero agad rin namang tumayo. Naglakad sya pabalik-balik na akala mo ay natetense.

Bigla syang tumigil sa harap ko at tumingin sa akin. Nang magsalubong ang mga mata namin, agad naman syang nag-iwas ng tingin. Napailing na lang ako. Ang weird nya.

Umupo ulit sya sa tabi ko. “Mystery.”

Nanlaki ang mata ko nang banggitin nya ang pangalan ko. Hindi ko alam pero nang banggitin nya ito, parang ang sarap pakinggan. Parang musika sa pandinig ko na ang sarap ulit-ulitin.

“Mystery.” Ulit nya.

Unconsciously, napangiti ako. Siguro dahil first time nyang banggitin ang pangalan ko. Palagi kasing ‘oy’ ang tawag nya sa akin.

Kaya lang … napaisip ako kung paano nya nalamang Mystery ang pangalan ko. Pakilala ko sa kanila is Mist--

“ FUCK IT! I’M HELLA CALLING YOUR NAME!” Napatayo ako nang bigla nya akong sigawan. Kanina pa pala nya ako tinatawag. Ano bang nangyayari sa akin?

“Kailangan sumigaw?” Singhal ko sa kanya.

“I NEED TO SHOUT COZ YOU’RE FUCKING DEAF! DAMN IT!” Sinipa nya ang katapat naming upuan. Napatingin pa sa amin ‘yung receptionist. Hindi naman ito nagalit kasi mukhang crush nya si Andrei.

“Whatever!” Sabi ko at tinalikuran sya. Psychotic talaga.

“Aish!“ Tumayo sya at hinila ako palabas ng clinic. Dire-diretso lang syang maglakad kahit ang dami na nyang nababangga.

“Ano ba? Magdahan-dahan ka nga!” Sita ko sa kanya. Halos madapa na kasi ako sa kakakaladkad nya e. Isama mo pa ang sobrang habang skirt ni Jessica na naaapakan ko.

“Shut up!” Sigaw nya sa akin nang hindi tumitingin.

“San ba kasi tayo pupunta? Dapat iniwan mo na lang ako dun.” Baka pumunta sila Leander sa clinic at magkasalisi kami. Tsk. Bakit ba kasi ang tagal nilang dumating?

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon