OPERATION 113- Amoy Lalake

465 10 28
                                    

Cute Finn sa side --------->

_____________________________________________________________________________

OPERATION 113- Amoy lalake

Misty’s POV

Pumasok si Andrei sa kwarto at pabagsak na nilagay ang notebook sa mesang malapit sa akin. Masama ang tingin nya sa akin tulad ng tingin nya palagi sa akin.

Agad kong kinuha ang notebook. Ito ang notebook ko na kanina ko pa hinahanap. Kahit gusto kong itanong kay Andrei kung bakit nasa kanya ang notebook ko, pinabayaan ko na lang. Wala na akong panahon para makipagtanungan kay Andrei dahil nasa loob rin ng kwarto si Leander. Hindi pwedeng magtagal si Andrei sa loob ng kwarto ko. At lalong hindi pwedeng makita nya si Leander.

“Amoy lalake.” Natauhan ako sa sinabi ni Andrei. Sinamaan nya ako ng tingin na parang inaakusahan nya ako na may iba akong lalake.

Suminghot-singhot ako and DAMN! Nangangamoy Leander. Bakit ba kasi  ang tapang ng pabango ni Leander?

“May lalake ba dito?” Napalunok ako sa tanong nya.

“I-ikaw lang unless hindi ka lalake.” Ha-ha Misty. Nakuha mo pang magbiro sa harap ni Andrei sa ganitong sitwasyon.

Inirapan nya ako at nilibot ng tingin ang buong kwarto. Bahagya syang napatingin kay Jessica pero agad rin naman nilipat sa iba ang atensyon nya.

Phew! Akala ko mahahalata na nya na may ibang nangyari kay Jessica.

“Dito ako matutulog.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Andrei.

“ANO?! Nababaliw ka na ba? Bakit dito ka matutulog?” Hindi sya pwede matulog dito dahil unang-una, hindi makakalabas si Leander sa CR. Pangalawa, paano kapag nagCR si Andrei edi makikita nya si Leander. Pangatlo, bawal ang lalake rito sa Girls’ Dorm. Pang-apat, anong iisipin ng iba kapag nalaman nilang natulog sa kwarto namin si Andrei? At panghuli, anong iisipin ni Leander? Seloso kaya ‘yun at baka hindi pa nakakatulog si Andrei e pinatay na sya ni Leander.

“Tss.” Inirapan nya ako at humiga sa kama ko. Agad syang bumangon at masamang tumingin sa akin.

“A-ano na naman?” Napaatras ako sa sobrang sama ng tingin nya sa akin.

“AMOY LALAKE ANG KAMA MO!” Tinadyakan nya ang mesa na katabi ng kama ko at nilibot na naman ng tingin ang kwarto namin.

Galit nyang binuksan ang mga cabinet namin. Para syang baliw na hindi ko maintindihan.

“Andrei, ano bang nangya--”

“SHUT THE HELL UP! NASAAN ANG LALAKE MO!” Agad nyang hinawakan ang braso ko at niyugyog.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari basta ang naiisip ko lang, alam na ni Andrei na may lalake sa loob ng kwarto namin. Hindi nya pwedeng malamang si Leander ‘yun dahil once na malaman nya, patay kami pareho ni Leander.

Kung saan-saan nagpupunta si Andrei hanggang sa makita nya ang CR.

Tiningnan nya muna ako ng masama bago nagmadaling pinuntahan ang CR.

“A-andrei a-ano ba?” Agad akong humarang sa pintuan ng CR. Hindi nya pwede makita si Leander.

“Alis!” Tinulak nya ako kaya napasubsob ako sa pader.

Hindi ko na pinansin ang sakit bagkus, tumayo ako para harangan si Andrei kaya lang nakapasok na sya.

Napapikit ako. Damn! Eto na ang katapusan ko.

“Tsk.” Yun lang ang narinig ko nang lumabas si Andrei galing sa CR.

Nanatili akong nakapikit. Ayokong dumilat. Natatakot ako.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon