Author's note:
Nakapag-update din sa wakas. Hindi ko magawan ng POV si Andrei pero pipilitin ko para dun sa mga curious kay Andrei. Hindi ko alam kung kelan ulit ang update pero i'll update as soon as possible. Sa ngayon, ito muna :D
_________________________________________________________________________
OPERATION G- Pumayag na lang
Misty’s POV
Hinihingal akong pumasok ng VIP room. Natigil sa pagtatawanan sina Liam at Carlsberg nang pumasok ako. Agad tumayo si Liam at lumapit sa akin.
“Anong nangyari sha’yo? Bakit namumutla ka?” Worried na tanong nya sa akin.
Napahawak ako sa pisngi ko. Naramdaman kong nanlalamig pala ang mga palad ko. Shit. Hindi ko alam na ganito pala ako kakabahan sa unang pagkikita namin ni Andrei.
“S-si Leander?” Tanong ko at nilagpasan si Liam. Umupo ako sa pinakasulok at ininom ang drink na nasa tapat nito.
“Hinanap ka ah? Aalish na raw kayo e. Hindi naman pala kayo magtatagal. Ang daya nyo! Pinuntahan nyo lang daw shi Kyla dito. Akala ko pa naman maghahappy-happy tayo ngayon.” Simangot ni Liam sa akin bago pabagsak na umupo sa tabi ko.
“Tanga! Alam mo namang may problema sila ngayon tas makikicelebrate sila? Gago ka talaga!” Binato sya ni Carlsberg ng cornick na pinapapak nila kanina.
Hindi ko na muna pinansin ang paghaharutan nilang dalawa bagkus, nagconcentrate ako kung paano patitigilin ang kaba na nararamdaman ko.
Bakit ganun? Bakit ako kinakabahan ng sobra? Natatakot ba ako sa kanya? Hindi naman e. Bakit nararamdaman ko ang panginginig ng palad ko kung hindi? Shit. Baka nahalata nila Andrei na kinabahan ako.
“Misty!”
Napatayo ako nang marinig ko ang sigaw ni Kyla. Nakasimangot sya sa akin at padabog na naglakad palapit sa akin.
“I hate you! You’re so rude a while ago. Why did you walk-out? That was my chance to befriend my prince charming!” Reklamo nya sa akin sabay crossed arms.
Napairap ako. Grabe! Nagngingitngit sya sa inis dahil sa inasta ko? What the hell? Iintindihin ko pa ba ‘yung prince charming nya e andun ‘yung taong ayaw kong makita.
Pero teka …
“W-who’s your crush among those guys?” Nacurious ako bigla. Kung isa sa Dark Moon ang crush nya, hindi maiiwasang magkalapit kami ng kung sino mang lalaking yun. Syempre, knowing Kyla as one of my closest friends, hindi maiiwasan na palagi kaming magkasama nyan. E paano kapag dinate nya ‘yun? Edi kasama namin ‘yun every lakad namin ni Kyla. What if si Andrei ‘yun? Wag naman sana.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.