OPERATION 107- Dark Moon

445 9 20
                                    

Si Finn sa gilid ------------------>

_____________________________________________________________________________

Operation 107 – Dark Moon

Jesse’s POV

Napangiti ako nang maalala ko ang babaeng nakita ko kahapon. Biruin mong nakita ko ulit sya ngayon. Mukha syang transferee dahil hindi nya ako kilala. Sa bagay mukha nga syang transferee dahil may maleta syang bitbit kahapon.

Ano kayang pangalan nya?

“Jesse!” Agad akong napalingon sa tumawag sa akin.

Nakakunot ang noo ni Andrei na palapit sa akin.

“Oh? Problema mo, pre?” Isinantabi ko muna ang laptop ko. Mamaya ko na panunuorin si Maria Ozawa. Mukhang badtrip kasi si Andrei e.

Tinulak nya ako kaya nahulog ako sa pagkakaupo ko.

Agad nyang inagaw ‘yung laptop at may sinearch na kung ano.

“Misty Montereal? Red Knights Academy?” Basa ko sa sinisearch nya.

Red Knights Academy? Yun yung school na pagmamay-ari ni Leander ah? Sino si Misty Montereal?

“Drei sino ‘yan?” Tukoy ko dun sa sinisearch nyang Misty Montereal.

Hindi nya pinansin ang tanong ko bagkus nakatutok lang sya sa binabasa nya.

“Tss. Nagtransfer kasi sikat? Tss.” Rinig kong bulong ni Andrei habang umiiling.

“Ha? Sinong nagtransfer kasi sikat?” Tanong ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Andrei.

“Wala ka na ‘dun.” Ngumisi sya at iniwan akong nagtataka sa pinaggagagawa nya.

Titingnan ko sana ‘yung nireresearch nya kaya lang naclose na pala nya. Tss.

Misty’s POV

Natapos ang pang-umagang klase namin at ngayon, lunch break namin. Babalik kami after lunch break for the remaining classes. I didn’t know na whole day pala ang klase rito sa CU. Kaya naman pala required magdorm dito dahil haggang gabi ang klase. Feeling international school naman ‘to. Akala naman nila talagang natututo ang mga estudyante nila e samantalang yung anak ng may-ari ng school na ‘to e puro basag-ulo lang ang laman.

Speaking of anak ng may-ari ng CU, nasaan na kaya yung mga panget na Dark Moon na ‘yan? Hindi kaya sa gabi lang sila lumalabas dahil mga kampon sila ng kadiliman? Dark Moon kasi e, meaning madilim.

Napangiti ako sa iniisip ko. Bilib na talaga ako sa sarili ko. Ang ganda ko na nga, ang talino ko pa. Swerte nga naman ni Leander sa akin, oh. Hahahaha :P

“M-Misty!” Naningkit ang mga mata ko sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Huminga ako ng malalim bago lingurin ang losyang na nerd na ‘to.

“Wha—” Agad akong napatakip ng bibig nang makita ko si Nerd na papalapit sa akin. Ang dahilan ng pagkabigla ko ay ang mga lalake na nakasunod sa kanya sa likod.

Napalunok ako ng laway sa pagkakagulat. Nakita ko na naman ang creepy kong kaklase na masama na naman ang tingin sa akin. Teka, may galit ba ‘to sa akin?

Ang isa pang kinabigla ko ay yung lalakeng malandi kasama rin nya. Nakangiti na naman itong nakatingin sa akin at bigla akong kindatan. Kinilabutan ako sa ginawa ni Je … Je … ano nga ulit ang pangalan ng malanding lalakeng yun?

“Misty, buti nakita kita. Sabay ka na sa amin maglunch.” Aya sa akin ni Nerd.

Agad naman akong nakabalik sa pagkakabigla at kinompose muna ang sarili ko bago magsalita. “I don’t need anyone’s companion. So, leave me alone.” Umirap ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon