OPERATION 118- The Phone Call

372 7 14
                                    

OPERATION 118- The Phone Call

Misty’s POV

Nakatulala lang ako kay Andrei matapos kong marinig na mahal raw nya ang first kiss nya. Biruin mo ‘yun? Marunong pala syang magmahal?

“Don’t look at me like that.” Sabi nya at tumalikod sa akin.

Asus! Nahiya pa sya.

“Ang corny mo. Tsk.” Sabi ko sa kanya.

“Corny?” Agad syang napalingon sa akin. “Turn off ka?” Tila nagpapanic nyang tanong sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko sya gets. “Hay nako! Umuwi ka na nga sa dorm nyo. Binibwisit mo na naman ako.” Tinulak ko sya palabas ng kwarto.

“Dito muna ako.” Kumapit sya sa may poste kaya nahihirapan akong itulak sya.

“Andrei kasi e. Alis ka na rito.” Tinulak ko ulit sya palabas pero hindi pa rin sya nagpatinag.

“Ayaw ko nga.” Inis na sabi nya at pinandilatan ako ng mata.

“Dumidilim na oh?!” Sabi ko sabay turo sa bintana. Alas sais na kasi kaya medyo kulay dark blue na ‘yung ulap.

“So?” Kibit balikat nyang tanong sabay takbo pahiga sa kama ko.

“Andrei naman e!” Habol ko sa kanya.

“Wag ka ngang mailang sa akin. Pinapahalata mong gusto mo rin ako e.” Sabi nya habang niyayakap ang unan ko.

Rin? Tama ba ang narinig ko? May rin? “May gusto ka sa akin?” Turo ko sa sarili ko.

Nanlaki naman ang mata nya at mabilis na umiling. “W-wala ah?! Ang panget mo kaya.” Sabi nya sabay talukbong ng kumot ko.

Kapal ng mukha nya. Panget pa ako sa lagay na ‘to? Ang ganda ko kaya.

 Hihilahin ko sana si Andrei paalis sa kama ko nang biglang nagring ang phone ko.

Patay.

Bumangon si Andrei at tumingin sa akin.

Napakagat ako ng labi.

Mabilis kong kinuha ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Great.

Si Leander ang tumatawag.

Nakatingin lang sa akin si Andrei at nagtataka kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag.

“Sino ‘yan?” Tanong nya sa akin sabay bangon sa pagkakahiga nya.

Agad ko namang tinago sa likod ko ang phone na patuloy pa rin ang pagriring.

“W-wala.”

Tinaasan nya ako ng kilay at nagpalakad papalapit sa akin.

Umatras naman ako.

“Mystery. I’m asking you. Who the hell is calling you?” Nakangiti nyang tanong sa akin pero sa boses nya halatang galit ito.

I can’t turn my phone off naman dahil baka magalit sa akin si Leander at mag-isip ng kung anu-ano.

Tsk. Wrong timing naman kasi ang tawag mo babe.

Umiling lang ako sabay atras ulit which is nakapagpacorner sa akin. Nashoot ako sa space sa pagitan ng cabinet at ng estante.

Bakit ang malas ko ngayon?

Kinuha naman ni Andrei ang opportunity at kinorner ako. Nakahawak ang kanang kamay nya sa cabinet while ang kaliwa naman ay sa estante. Hindi naman ako makakalusot sa ibaba nya dahil he made sure na wala akong lulusutan.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon