OPERATION J-Honey

215 6 2
                                    

OPERATION J- Honey

Author's Note:

Una sa lahat ay nagsosorry ako dahil lagpas dalawang buwan ng walang update ang OMHM. Pangalawa ay nagsosorry ulit ako dahil short lang 'to at sabaw pa. Promise, babawi na langa ko sa next update ko. Wala talaga kasing mapiga sa utak ko e. Ajujujuju :'( Di bale, i'll try to make the next chapter ASAP.

_____________________________________________________________________________

Jesse’s POV

Napamura ako nang marinig ang paulit-ulit na pagring ng phone ko. Pota! Katutulog ko lang tapos may kung sinong demonyo ang tatawag sa akin.

“Honey, you’re phone is ringing.” Gising sa akin ni Melody at iniabot sa akin ang phone ko.

“Dapat pinatay mo, Merlyn!” Reklamo ko at agad na kinuha ang phone sa kanya.

“Hindi ako si Merlyn! Agatha! Agatha ang pangalan ko!” Bulyaw sa akin ni Agatha. Inis na inis nyang hinila ang kumot namin at nagmadaling tumayo sa kama para pumunta  ng CR.

Tanginang Angel ‘yun! Inagawan pa ako ng kumot.

Tiningnan ko ang caller ID bago sumagot. “Tangena, Andrei. Kapag tungkol kay Misty na naman ‘to, ibaba ko ‘to.” Inis na inis kong bungad kay Andrei. Badtrip e! Natutulog ako tas tatawag sya sa gitna ng madaling araw para magkwento na naman ng nangyari sa kanila ni Misty. Kaurat, dre!

(Jesse, she refused.)Problemadong  bungad sa akin ni Andrei.

Napakamot na lang ako ng ulo. Sinasabi ko na nga ba.

“O edi tumigil ka na. Pabayaan mo na lang sya. Tulog na lang tayo.” Inaantok kong sagot bago humikab. Inaantok pa ako sa sobrang pagod. Langyang Arianne na ‘yan ang galing sa kama.

(No. I won’t stop. Hanapin mo ‘yung babaeng kasama ni Mystery sa club noon. Yung maputing babae. Hanapin mo sya.)

Napakunot ang noo ko. “Bakit ko naman hahanapin ‘yung tisay na ‘yun?” Nawala tuloy ang antok ko sa utos ni Andrei.

(Basta. You need to find her, no matter what.) And he hung up.

Napamura na lang ako. Saang lupalop ko naman hahanapin ang tisay na ‘yun?

---

Misty’s POV

Magmula ng gabing ‘yon ay hindi na muli kaming nag-usap ni Andrei. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ‘yon dahil sya na mismo ang kusang umiiwas sa akin. Tulad nga ng hiniling ko sa kanya, nilayuan na nya ako to the extent na kahit sumabay sa aming kumain ay hindi nya magawa. Actually,  hindi na sya nagpapakita sa akin simula noon. Nakikita ko lang sya accidentally kapag lalabas sya ng bahay at magkakasalubong kami sa hallway. Ni hindi nya rin ako matingnan sa mata kahit pasadahan man lang ako ng tingin. Para lang akong hangin sa kanya and it’s quite bothering.

“Hindi pa ba gising si Andrei hanggang ngayon? Hindi na natin sya nakakasabay kumain. What’s happening to my son?” Worried na tanong sa amin ni Tita Andrea na kasalukuyan naming kasama sa dining table.

Napayuko na lang ako at pinaglaruan ang mga kamay under the table. Naramdaman kong binalingan ako ni Leander ng tingin kaya napakagat ako ng labi sa kaba. Kinakabahan ako, yes. Alam kong base sa tinging ipinupukol nya sa akin, may idea na sya na ako ang dahilan kung bakit nagkakaganun si Andrei.

“Manang, pakitawag naman si Andrei. Sumabay sya kamo sa amin kumain.” Utos ni Tita Andrea.

“P-pero Ma’am k-kasi …” Agad na namutla ang maid na kausap ni Tita. Nagpanic ito na parang natatakot na ewan. “Ma’am sorry po pero h-hindi ko po sya kayang tawagin. N-natatakot po ako kay Sir Andrei.” Pagkasabi nun, agad na tumakbo ‘yung maid patungo sa maid’s quarter.

Narinig kong tumawa ng mahina si Leander kaya siniko sya ni Tito Xander. Napailing na lang ako. Pati katulong, tinatakot ni Andrei. Sa bagay, tingin pa lang kasi ni Andrei ay nakakatakot na. Maski ako ay natatakot rin sa paraan ng pagtingin nya. Jeeez. Damn those scary eyes!

Napaface palm na lang si Tita at tumingin kay Leander pero agad ring bumaling sa akin.

“Misty darling, pwede mo bang tawagin si Andrei for me?”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. ”A-ako po?” Hindi makapaniwalang turo sa sarili ko. Hindi ko pwedeng tawagin si Andrei. Nag-iiwasan nga kami tapos tatawagin ko pa sya? Ugh. Ayoko!

“No. Ako na lang.”

Lahat kami ay nagulat nang biglang tumayo sa Leander at bumaling sa akin. “Dito ka lang. Ako na ang tatawag sa gagong ‘yun.” Sabi nya sa akin.

“Leander!” Saway ni Tito Xander sa anak pero hindi ito pinansin ni Leander. Bagkus, nagdire-diretso syang umakyat sa kwarto ni Andrei.

“Ang gulo ng family namin, di ba?” Nakangising tanong sa akin ni Tita Andrea. Pero kahit nakangisi sya, I know deep inside her that she’s hurting. Alam kong pareho nyang mahal si Leander at Andrei as her sons. And I know that she’s hurting everytime she sees that those two are not in good terms.

Ngumiti na lang ako at nanahimik na hinintay ang pagbabalik ni Leander. Nagtataka ako kung bakit ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin bumababa ang dalawa.

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla akong kutuban. Hindi naman siguro sila nag-aaway di ba? Kahit naman mortal na magkaaway ang dalawang ‘yon, hindi naman sila magpapatayan dito sa bahay di ba?

Aish! Shit! Kinakabahan ako. Naiisip ko pa lang ang temper ni Andrei at ang init ng ulo ni Leander, malamang ay nag-aaway na nga mga ‘yon.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Tumayo na ako. “Tita, Tito, puntahan ko lang po sila sa taas.” Sabi ko at nagmadaling umakyat.

Dumiretso ako sa kwarto ni Andrei. Nakaawang ang pinto nya kaya marahil ay nasa loob sila. Papalapit pa lang ako ay naririnig ko na ang murahan nilang dalawa. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko at pumasok na agad sa kwarto ni Andrei.

Napasinghap ako nang makitang magsusuntukan na ang dalawa.

“What do you think you’re doing?” Bulyaw ko sa kanilang dalawa. Nagmadali akong pumagitna sa kanilang dalawa. Pinilit kong ibaba ang mga nakaamba nilang kamao at pinaglayo silang dalawa. “Bumababa na kayo. Kanina pa sila naghihintay sa ibaba.”

“Misty, lumabas ka.” Sabi ni Leander habang masamang nakatingin sa nakangising si Andrei.

“Bakit mo sya pinapalabas? Natatakot kang maagaw ko sya ulit sa’yo? Ha, Leander?” Nakangising tanong ni Andrei.

“E gago ka pala e.” Itinulak ako ni Leander palayo kay Andrei at ambang susuntukin si Andrei pero agad ko syang pinigilan.

“Leander tama na. Bumaba na tayo.” Hinawakan ko ang braso ni Leander at hinila na ito palabas.

“Hindi pa tayo tapos, Crescent.” Banta ni Leander bago nagpatianod sa paghila ko. “Putanginang hayop ‘yun! Aish!” Mura ni Leander at marahas na pumiglas sa pagkakahawak ko sa braso nya. Pinasadahan nya muna ako ng tingin bago padabog na pumasok sa kwarto namin.

Agad kong binalingan ng tingin ang kwarto ni Andrei at mabibigat ang paa na tinahak ito. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari. Ayaw ko man syang komprontahin pero kailangan dahil wala akong matinong sagot na makukuha kay Leander lalo na’t may kinalaman si Andrei dito. Ugh.

Pagkapasok ko ay nabigla ako nang makitang may kausap si Andrei sa phone. Aalis na lang sana ako pero narinig kong nagpaalam si Andrei sa kausap.

“I’ll call you later, honey. Yung sinabi ko sa’yo, don’t forget. Alright? I love you.” Sabi nya sa kabilang linya at nakuha pang ngumisi sa akin.

Napaawang ang bibig ko at napailing. Parang kailan lang niyaya nya akong sumama sa kanya at ngayon, may honey na sya at nagpapalitan pa ng I love you? Great! Tsss.

“Sumabay ka raw kumain sabi ni Tita.” Malamig na sabi ko at padabog na lumabas ng kwarto nya.

Mas lalo akong nainis nang marinig ko syang tumatawa.

E ano kung may honey sya? May babe naman ako. Tsss.

Pero kahit pa! Naiinis pa rin ako!

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon