Andrei smirking ------------->
_____________________________________________________________________________
OPERATION 114- Gentleman ako!
Misty’s POV
Late ako nagising dahil napuyat ako sa pakikipag-usap kay Leander. Pagkatapos ko kasi mabasa ang message nya, tinawagan ko sya at kinamusta. Buti na lang talaga at hindi sya nakita ni Andrei. Siguro nga dapat hindi ko na hayaan pumunta si Leander dito sa dorm. Ako na lang dapat ang pupunta sa kanya para iwas gulo.
“Misty?”
Napatingin ako sa kagigising na si Jessica. Late rin sya nagising dahil siguro sa gamot na nilagay ni Leander sa panyo. Naawa tuloy ako kay Jessica.
Tsk.
Hindi ako dapat maawa sa kanya.
Isa syang kaaway. Hindi ako dapat maawa sa kanya.
“Misty may gamot ka ba sa sakit ng ulo?” Tanong nya sa akin.
“Ugh … yeah. Wait lang.” Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang pinabaon sa akin noon ni Liam na mga gamot. Namiss ko tuloy si Liam.
Kinuha ko ang isang Biogesic at binigay kay Jessica.
“Una na ako, Jessica. Late na kasi ako e.”
Agad naman syang napatayo. “HA? A-anong oras na ba? Ouch.” Napahawak sya sa ulo nya. Nakakakonsensya tuloy ang ginawa ni Leander. Tsk. Sobrang tapang naman ata ng gamot. Si Tee talaga. Aish.
“10am na.”
“Hala! Hindi ako nakapasok sa 1st subject. Hindi ko napasa ‘yung reaction paper ko.” Nagbabadya nang umiyak si Jessica. Nerd. Grade conscious. Hmp!
“Ah … ganito na lang. Akin na ‘yung reaction paper mo. Ako na lang ang magpapasa.”
“T-talaga? Naku Misty salamat.” Nagmadali si Jessica kunin ‘yung reaction paper nya.
Nang makuha nya ito ay kaagad nyang binigay sa akin. “Room 125. Mr. Rondes. Kaklase ko si Finn doon. Pwedeng sa kanya mo na lang iabot. Pasabi na rin na hindi ako makakapasok sa lahat ng subject ko kasi ang sakit talaga ng ulo ko.”
Ngumiti ako sa kanya. “Sige. Una na ako ah.”
Nagmadali akong umalis ng dorm dahil ilang minute na lang at magsisimula na ang 2nd subject namin. Dadaanan ko pa ang room ni Jessica. Sabi ko kanina hindi ako dapat maawa sa kanya pero ano ‘tong ginagawa ko?
Aish.
Bakit kasi ang bait at ang ganda ko?
Nang makalabas ako ng dorm, agad sumalubong sa akin ang nakapamulsang si Andrei. Akmang lalapit sya sa akin pero hindi ko na sya pinansin. Nagmamadali ako.
“Mystery! Mystery!” Rinig kong tawag nya pero hindi ko sya nilingon. Tumakbo na lang ako papunta sa room nina Jessica.
Nang malapit na ako, agad kong nakita si Finn na papasok ng room. Agad ko syang nilapitan bago sya pumasok.
“Finn.” Nagulat sya nang bigla ko syang inakbayan. Medyo hinihingal-hingal pa ako dahil sa pagtakbo ko.
“M-misty?”
“Wait … lang … ” Sabi ko kasi sobrang hinihingal-hingal pa ako.
“Tubig oh.” Inabot nya sa akin ‘yung tumbler nyang may mga spider-spider pang design. Inabot ko ‘to at chineck kung may insekto ba sa loob. Knowing Finn, baka sa sobrang pagka-animal lover nya e pati insekto kinakain na nya. EW.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.