OPERATION 105- Be Safe

504 10 2
                                    

Jesse sa side -------------->

_____________________________________________________________________________

OPERATION 105 – Be Safe

Misty’s POV

“Mishty, tawagan mo ako kung may problema ha?”

Ngumiti ako sa kanya ng bahagya. Mamimiss ko sila promise. “Don’t worry, I’ll call you guys every minute. Dadalawin ko rin kayo sa HQ one of these days. Ikaw na bahala kay Leander ah? Hangga’t kaya mo, magdahilan ka.” 

“Oo. Mag-iingat ka ha? Mamimish kita.” Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi bago ako tuluyang pababain sa kotse nya.

“I’ll be missing you too. Tell Leander I love him so much. I’ll go ahead na Liam.” Bumaba na ako ng car nya at kinuha yung maleta ko.

I’ll be staying here sa Crescent University for the whole school year. First day of school na bukas and required dito sa Crescent na magstay sa University Dorm ang lahat ng mga estudyante. Labag man sa loob kong mapalayo kay Leander, pipilitin ko at dapat, kayanin ko.

Hindi alam ni Leander ang tungkol rito kaya pinaubaya ko na kay Liam ang pagdadahilan. Ayaw kasi namin ipaalam kay Leander dahil baka magalit or mastress pa sya.

Leche kasing mga Dark moon na yan e. Kung hindi sila umieksena sa buhay ni Leander, masaya na sana kami ngayon.

Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ng gate nang biglang magring ang phone ko.

Liampayatot calling …

Napalingon ako sa pwesto nya kanina. Nandoon pa rin ang kotse nya.

“Hello?” sabi ko habang kinakawayan ang kotse nya sa malayo.

(Mishty, mish na agad kita.) Naiimagine ko ang nakapout na si Liam habang kausap ko.

“Agad-agad? Kakaalis ko lang e.” Nagsimula na ako maglakad papasok sa Crescent. Malawak sya at masasabi kong maihahanay ang ganda nya sa dati kong school. Puro puno ito kaya malalanghap mo talaga ang sariwang hangin.

(Kelan ka babalik?) Natawa ako. Hindi pa nga ako nakakapasok sa Crescent tinatanong na kaagad nya ako kung kelan ako babalik. Tss.

“Tatakas ako kapag may pagkakataon.” Nasa rules and regulation kasi na hindi pwedeng lumabas ng school vicinity ang lahat ng estudyante during the school year maliban na lamang kung may pass ka.

Basta, madali na lang sigurong tumakas. At syempre, gagawa ako ng paraan para tumakas.

(Galingan mo sa pagtakash ah? Tawagan mo ako kung kelangan mo ng tulong. Ha? Mishty babe?) Natawa ako sa Mishty babe nya. Kahit kailan talaga si Liam.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon