Si Andrei sa gilid --------------------------->
_____________________________________________________________________________
OPERATION 109- Badtrip
Jesse’s POV
“Hoy Pin! Lika nga!” Sigaw ko kay Finn. Langyang bata ‘to. Naglaro na naman ng pinakamamahal nyang gagamba. Putek!
Agad rin naman syang lumapit sa akin at tinago yung gagamba nya. Ewan ko ba sa kanya at nahilig sya sa mga ganitong klaseng bagay. Ang wirdo! Ang bading! Kadiri!
“Bakit, Jesse?” Nakangiti nyang tanong habang nakapamulsa.
“Samahan mo ako mamaya. Magpapa-facial ako.” Tumalikod ako sa salamin na kanina ko pa kaharap at hinarap si Finn. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya para makita nyang mabuti ang gwapo kong mukha. “Pumapangit na ba ako?”
Langyang Misty ‘yan. Bulag ba ‘yun o malabo lang ang mata? Hindi daw sya nagagwapuhan sa akin? E halos lahat ng babae rito sa Crescent humaling na humaling sa akin samantalang sya … ay pota! Ayokong isipin.
“Ha?” Kumunot ang noo ni Finn at tiningnan ako ng may halong pagtataka. “Hindi pa naman. Mas gwapo nga lang sa’yo si Pinunong Andrei.”
“Ulol! Mas gwapo ako dun tanga!” Tinulak ko sya at humarap ulit sa salamin. Gago ba sya? Andrei? Mas gwapo sa akin. Panaginip yun, pre!
Tiningnan ko ang napakagwapo kong mukha sa salamin. Tangna! Buti di ako nababakla kapag nakikita ko ang mukha ko. Ang gwapo ko kasi e.
“Nagtatanong ka tapos di ka maniniwala. Ano ‘yun, joke?” Sagot nya sa akin. Bago ko pa sya batukan ay nakaalis na ang kumag. Gago ‘yun ah!
Inayos ko na lang ang buhok ko bago puntahan si Jessica … o sige pati na rin yung babaeng may malabo ang mata. Aayain ko silang sumama sa amin nang makita nang Misty na ‘yan kung gaano ako kagwapo. Taena kasi e! Di ko tanggap. Hindi daw ako gwapo? Ano ‘yun lokohan?
“San lakad?” Napatingin ako sa bagong dating na si Andrei. May bitbit itong notebook na …
“Drei, bading ka?” Tinuro ko ‘yung hawak-hawak nyang notebook. Hello Kitty pa ang cover.
“Kay Mystery ‘to.” Balewala nya sa pang-aasar ko. Sumalampak sya sa kama nya at nilapag ang notebook sa mesa.
Mystery? Sino ‘yun?
“Chix mo, pre?”
Natawa lang sya sa tanong ko at hindi na muling umimik pa. Pinabayaan ko na lang kasi sanay na ako jan. Ilang taon ko ba naman kasa-kasama ‘yan e. Buti nga nandyan si Finn kaya may nakakausap pa ako. Eto kasing si Andrei pipi e. De joke lang. Madalang lang magsalita ‘yan at kung magsasalita man ‘yan, ang tipid pa.
Nang matapos na ako sa pag-aayos, binalingan ko si Andrei. “Una na ako, Drei.”
“Ge.” Yun lang ang narinig ko sa kanya. Tingnan nyo pati pagsagot ang tipid. Hindi man lang binuong ‘sige’.
Paglabas ko ng Dorm, sinalubong kaagad ako ni … sino ba ‘to?
“Hey babe, wanna come to my room tonight?” Agad nya akong niyakap at hinimas ang ma-muscle kong dibdib. Shet! Ang hot nitong si … punyeta! Hindi ko matandaan ang pangalan. Pamilyar ang mukha nya sa akin pero siguro naka-one night ko ‘to.
“Sure.” Inakbayan ko sya at hinalikan sa labi. “Just meet me outside the dorm later.” I winked at her and I heard her giggled.
Mga babae talaga. Tsk. Gwapo ko kasi e.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.