OPERATION 119- Bakit hindi ba?

356 6 5
                                    

Hi ate @UnderneathTheStars! Dedicated sa'yo ang chapter na 'to dahil ginawan mo ako ng banner.  Sobrang ganda po at gustong-gusto ko sya. Salamat ng marami talaga.

Ang matipunong pangangatawan ni Andrei ay nakabalandra po sa gilid. ------->

Ang hot nga shocks!

_____________________________________________________________________________

OPERATION 119- Bakit hindi ba?

Misty’s POV

Nagpalakad-lakad ako sa harap ng salamin habang iniisip kung paano hindi mapapapunta si Andrei sa dinner mamaya.

Hindi naman pwedeng ipacancel ko ang dinner na ‘yun dahil magtatampo si Mommy kapag ginawa ko ‘yun. I mean kakauwi lang nya dito sa Pinas galing States tapos ipapacancel ko ang semi-reunion namin. Alam ko namang namimiss na ako ni Mommy kaya sya umuwi dito saka I also miss her na rin. Almost three years ko na syang hindi nakita and now, papalagpasin ko pa ba?

Wala naman sana kasing problema kung hindi umepal si Andrei. Napakapakialamero talaga nun. Hindi ko nga alam kung bakit ganun sya kumilos towards sa akin e. Parang ang possessive nya na ewan. Hindi kaya feeling nya pagmamay-ari nya ako kasi nagkiss na kami?

Tss.

As if naman first kiss nya ‘yun. Imposible. Sa gwapo ni Andrei, malamang hindi na virgin ‘yun. Si Jesse nga napakababaero, sya pa kayang mas may appeal at mas gwapo sa kanya?

Tsk.

Kung kausapin ko na lang kaya si Andrei at pakiusapan na wag na lang syang sumama? Sabihin ko kaya na gusto ko ng alone time para sa amin ni Mommy?

Siguro naman bebenta ‘yun no?

Agad akong lumabas ng dorm namin at pumunta sa boys’ dorm. Hinarang pa ako ng guard at sinabihang hindi raw ako pwedeng pumasok dahil curfew na raw para sa mga bisita. Pero nung sinabi kong importante lang at si Andrei Crescent ang pupuntahan ko, dali-dali naman nya akong pinapasok.

Tsk. Iba talaga ang nagagawa ng pangalan ni Andrei. Siguro sa kanila nga itong school na ‘to. Pero sabi ni Liam ang may-ari raw nito ang leader ng Dark Moon. Could it be Andrei?

Nah.

Mas feel ko si Jesse ang leader e. Ewan. Instinct ko lang.

Naputol ang pag-iisip ko nang naisip kong hindi ko pala alam kung saan ang room ni Andrei. Bakit kasi ang tanga ko? Hindi ko pa naitanong sa guard. Tsk.

Buti na lang at may lumabas na grupo ng mga lalake sa isang kwarto kaya agad ko silang nilapitan.

“Hi! Ask ko lang kung saan ang room ni Andrei Crescent.” Nakangiti kong tanong sa kanila.

Nagtinginan lang silang apat at biglang nagsikuhan.

“Gusto mo hatid ka na namin?” Tanong nung nasa pinakagilid.

Agad naman akong pumayag. “Naku salamat.” Ngumiti ako at sumunod sa kanila patungo sa kwarto ni Andrei.

Jesse’s POV

“Tangena Drei bilisan mo!” Kinalampag ko na ang pintuan ng CR namin.

Kanina pa ako najijingle e. Sasabog na nga ata ang pantog ko. Tangena kasi si Andrei e. Mag-iisang oras na sa CR. Daig pa babae kung maligo. Akala naman nya may magbabago pa sa mukha nya kung isang oras sya maliligo.

“Shut up, fuck you!” Rinig kong sigaw ni Andrei.

Naknamputs! Wala pa atang balak lumabas si Andrei.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon