OPERATION 133- You're Making Me Crazy, Too

338 10 5
                                    

@JudyAnnPaulate, Gising ka pa ba? Sorry 'te! Akala ko kaya ko before 12 midnight. Hindi pala. Mehehe~ Pasensya na at wala si Leander dito. Maybe next next chapter na lang. Hahaha. 

Pasukan nyo na pala mamaya, noh? Good luck! Wag kang magcutting, ah? Mehehe~

@blabbermouth08, ikaw rin pala may pasok na mamaya. Goodluck, te! Wag akong gayahin. Pumasok sa first day, ha? Mehehe~

_____________________________________________________________________________

OPERATION 133- You’re Making Me Crazy, Too

Misty’s POV

Pagkagising ko ay nagulat ako nang makitang nakatayo sa tabi ko si Andrei. Nakangiti syang nakatingin sa akin na may hawak ng isang bouquet ng flowers.

Napabangon agad ako. Anong meron?

“Wife, good morning.” Umupo sa tabi ko si Andrei at ibinigay ang bouquet sa akin bago ako halikan sa pisngi.

Napataas ang kilay ko. Anong meron?

Nginitian lang ako ni Andrei at niyakap ako ng mahigpit. “Today is going to be a happy one, Wife.” Bulong nya sa akin.

“Andrei …” Kumalas ako sa yakap nya at tiningnan sya ng may halong pagtataka. “A-anong meron? B-Bakit may bulaklak ako? Ugh. M-matagal pa birthday ko.” Sabi ko dahil wala akong clue kung bakit kakaiba ang kinikilos nitong lalakeng ‘to.

Ang sweet nya ata  masyado.

“WHAT?” Tumayo si Andrei at sinamaan ako ng tingin. “YOU DON’T KNOW WHAT DAY IS TODAY?” Tila nanggagalaiting tanong nya sa akin.

Napalunok naman ako sa kaba. Nakakatakot talaga ang aura ni Andrei kapag nagagalit. Para syang bulkan na anytime ay pwedeng sumabog. Sa pagsigaw nga nya ay halos mapatid na ang litid nito sa leeg. Isama mo pa ang nakakamatay at nakakatakot nyang death glare. Nakakakilabot.

“DAMN!” Sinipa nya ang kama na inuupuan ko at nagmadaling lumabas ng kwarto.

Nagising pa nga si Jessica sa ingay na dinulot ni Andrei.

Ano na naman bang problema nun?

Napakamot na lang ako ng ulo at sinundan si Andrei. Kahit sobrang tutol ang isip ko sa paghabol sa kanya, pinagtaksilan naman ito ng aking katawan. Kusa na lang kumilos ang paa ko palabas ng kwarto at nagmadaling tumakbo para habulin ang nagtatampong si Andrei.

“Andrei! Wait!” Sigaw ko sa kanya pero para syang bingi na walang naririnig.

Dire-diretso lang syang maglakad at walang pakialam sa mga nabubunggo nya.

“Andrei sandali lang!” Sigaw ko ulit sa kanya habang tumatakbo. Ang arte talagang magtampo nun. Ano ba kasing meron ngayon at nag-iinarte na naman sya?

Hindi na naman nya ako nilingon bagkus lalo pang binilisan ang lakad. Aish.

“Andrei sanda—aray!” Nadapa ako nang matalisod ako ng natapakan kong bato.

Lumanding ang tuhod ko sa sahig and now, it’s bleeding.

Shit! It hurts.

“Fuck!”

Agad tumakbo palapit sa akin si Andrei at yumuko para makita ang sugat ko.

“Wife, are you okay?” Inalalayan nya akong tumayo at inupo sa bench na nasa tabi lang namin. “Bakit ka kasi takbo ng takbo?” Inis nyang sabi habang tinitingnan ang galos sa tuhod ko.

Napairap naman ako sa tanong nya. “Nagtanong ka pa! Why don’t you ask yourself? Bakit ka nagwalkout kanina?”

Inirapan nya rin ako at padabog na umupo sa tabi ko. “Why don’t you ask yourself, too? Bakit hindi mo alam kung anong meron sa araw na ‘to?” Here we go again? Ano bang meron sa araw na ‘to at kung makapag-react si Andrei ng ganito, O.A lang.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon