OPERATION C- Sisiguraduhin

296 7 2
                                    

Author’s Note:

Short lang ulit. Di bale, sisikapin kong humaba-haba ang mga update ko sa susunod.

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

OPERATION C- Sisiguraduhin

Misty’s POV

“Are you out of your mind?!”

Napapikit ako sa sobrang lakas ng boses ni Mommy. Sinabi ko kasi ang plano namin ni Leander na pumunta ng U.S after ko madischarge kaya eto, naghihysterical sya.

“Amanda, pabayaan mo na ang anak mo. Malaki na sya. She knows what she’s doing.” Kalmadong sabi ni Daddy. Eto ang gusto ko kay Daddy e. He always supports my decisions.

“Amyster, how could I let her? Kay Leander sya sasama. He’s the reason why she’s in the hospital right now.” Galit na galit na sabi ni Mommy.

“Mom, Leander is innocent. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat.” Ilang ulit ko ng paliwanag pero ayaw nyang makinig. She always insists na si Leander ang may kasalanan but she doesn’t know the story behind that. Ayokong sisihin si Leander dahil in the first place, ako talaga ang may kasalanan. Tinakasan ko sya so ang tendency, hahabulin nya talaga ako kasi mahal nya ako. Ako talaga ang may kasalanan dahil naging unfaithful ako. Kung naging faithful ako kay Leander at hindi nagka-affair kay Andrei, malamang masaya na sana kami ni Leander and this is what I’ll do.

“Pinagtatakpan mo na naman ‘yang fiancé mo. Ganyan mo ba sya kamahal? Halos ikamatay mo na ang nangyari sa’yo pero pinagtatanggol mo pa rin si Leander? Unbelievable!” Napahawak sa noo nya si Mommy kaya agad syang inalalayan ni Daddy.

“Pabayaan nyo na kami ni Lean, mom, dad. Promise, hindi na mauulit ‘to.” Sabi ko pero agad umiling si Mommy.

“Bigyan mo ako ng magandang rason para payagan kita.” Sabi nya at umupo sa katapat kong upuan.

Napatingin ako kay Daddy para humingi ng tulong pero nag-iwas sya ng tingin. Alam nya kapag ganyan na ang tono ng pananalita ni Mommy, hindi na mababago ang pasya nito unless,susundin mo ang pinapagawa nya.

Napabuntong hininga na lang ako. “That night, Mom, I planned to run away from Leander and … leave with another guy. Kasalanan ko lahat, Mom. I cheated on Leander at pinagsisisihan ko ‘yun. Don’t be harsh on him. Ako talaga ang may mali and now, gusto kong itama ang pagkakamali ko sa U.S. so payagan mo na kami.” Sabi ko kahit ayaw ko talagang sabihin ang totoo.

Nahihiya ako sa pinaggagawa ko kay Leander and as possible, ayoko na talaga isipin ‘yun dahil kinakain ako ng guilt para sa kanya. Pero wala akong choice ngayon kundi sabihin ang totoo para na rin malinis ang pangalan ni Leander na walang ibang alam gawin kundi ang mahalin ako.

I saw shock written all over my parent’s face. Napayuko na lang ako sa disappointment ko sa sarili ko. I know, I’m that bad. And I admit it.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon