OPERATION 110- Quit staring

400 10 5
                                    

Liam sa side ----------------->

_____________________________________________________________________________

OPERATION 110- Quit staring

Misty’s POV

Ngumiti ako sa harap ng salamin after ko mag-apply ng red lipstick. Sinigurado ko talagang maganda ako ngayong gabi dahil magkikita kami ngayon ni Leander. Miss na miss ko na sya talaga.

“Wow Misty! Ang ganda ganda mo talaga. Sana ganyan rin ako kaganda tulad mo.” Amaze na amaze na komento ni Jessica.

“Thank you.” Pero deep inside gusto kong sabihin sa kanya na never syang magiging kasing ganda ko kasi ang panget nya. Magkamukha sila ni Jesse na mukhang tuko. Magsama sila.

“Nasa baba na raw si Kuya.” Sabi nya pagkabasa ng text ni Jesse.

“Ah sige, gotta go!” Bumeso ako sa kanya at saka nagmadaling lumabas ng dorm. Walang oras na dapat masayang ngayon. Every single minute is very very important.

Nang makarating na ako sa pinto ng Dorm building namin, nagulat ako nang makita kong hindi nag-iisang naghihintay sa akin si Jesse.  Bakit kasama si Andrei?

“Nagpaganda ka pa talaga sa akin, Misty.” Ngiting-ngiting bati ni Jesse sa akin nang makalapit ako sa kanila. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtitig ni Jesse sa maputi at makinis kong legs. Bakit ba nakalimutan kong maniac si Jesse? Yikes!

“Tss. Nagdamit  ka pa.” Inis na sabi ni Andrei sa akin kaya napatingin ako sa suot ko. What’s wrong with my attire? It’s just a simple short short and a body hugging racerback.

“Problema mo sa suot ko? Kung inggit ka, edi gumaya ka!” Inirapan ko sya. Nakakainis sya. Napakapakialamero! Ayoko pa naman sa lahat e yung pinapakialaman ako. Buti ba kung si Leander sya baka matuwa pa ako kapag pinakialaman nya ako pero hindi sya si Leander e. Si Andrei LANG sya. Isang miyembro ng walang kwentang grupo at sunod-sunuran sa leader nilang demonyo.

Hindi nagsalita si Andrei bagkus mahigpit nyang hinawakan ang magkabilang upper arm ko. Sa sobrang higpit, feeling ko binabali na nya ang mga buto ko. Isama mo pa ang tila nag-aapoy nyang tingin sa akin.

“A-andrei. B-babae ‘yan, pre.” Sabi ni Jesse habang tinatanggal ang mga kamay ni Andrei sa akin.

Hindi nya pinansin ang sinabi ni Jesse. Kinaladkad nya ako papasok ng dorm. Nakasunod sa amin si Jesse at kitang-kita sa mukha ni Jesse ang pag-aalala.

“A-Andrei nasasaktan ako.” Daing ko pero mukhang wala syang naririnig. Tuloy-tuloy lang sya sa paghila sa akin kahit pinagtitinginan na kami sa hallway.

Agad nyang binuksan ang pinto ng kwarto namin at hinila ako papasok.

“A-Andrei?” Gulat na sabi ni Jessica nang makita nya kami.

Hindi pinansin ni Andrei si Jessica. Itinulak nya ako pahiga sa kama ni Jessica at dumiretso sa wardrobe ko. Nagkatinginan kaming talo nina Jesse at Jessica dahil pare-pareho kaming mga clueless sa gagawin ni Andrei.

Binuksan ni Andrei ang closet ko at mukhang hinalukay ang mga damit ko. Ano bang problema nya?

Nang matapos nyang guluhin ang closet ko na pinatiyagaan kong ayusin ng dalawang araw, iniwan nya ito at closet naman ni Jessica ang pinagdiskitahan. Hindi naman ginulo ni Andrei ang closet ni Jessica pero kumuha lang ito ng damit.

“Wear this.” Sabi ni Andrei sabay tapon sa akin ng manang skirt at turtle neck blouse ni Jessica. EW! Take note, with sequins pa ang blouse. Yucky talaga.

Kahit sobrang nakakatakot ang aura ni Andrei, kinuha ko ang natitirang tapang sa kaloob-looban ko at binato kay Andrei ang mga kadiring damit ni Jessica. “I’ll never wear these clothes.” Sabi ko sabay takbo sa likod ni Jesse.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon