Author’s Note:
Super short lang. Binigyan ko lang kayo ng update kung buhay pa ba si Misty. Hahaha. Ang bad ko. Maybe, matatagalan ang next update ko dahil medyo busy sa school e. Pero kapag may time, update agad. Sensya na, GRAD-WAITING ako e.
_____________________________________________________________________________________
OPERATION: The Wrong-teous Leander
Leander’s POV
Napasabunot ako sa buhok ko habang hinihintay kong lumabas ng ICU sina Tita at Tito. Bakit kasi ang tagal nilang lumabas? Kalahating araw na nila binabantayan si Misty e.
“Chill lang, ‘der.”
Napatingin ako kay Tee na nakaupo sa tabi ko habang hawak-hawak ang librong kanina pa nyang binabasa.
Sana nga ganun lang kadali magchill. ‘Yung tipong kapag sinabihan kang magchill, presto! Chill ka na agad pero hindi ganun e. Paano ako magchi-chill kung … hanggang ngayon hindi pa rin gumigising si Misty.
It’s been one year and three fucking months pero nasa coma stage pa rin sya. Sarap pagbabarilin ng mga doctor dito e. Mga walang silbi! Puro test, check, test, check pero parang gago lang, walang nangyayari.
“Leander, bilis, tago! Palabas na sila!” Napatayo ako sa sinabi ni Tee. Agad akong nagtago sa gilid ng kwarto ni Misty. Lalabas na kasi sina Tita e.
Banned ako sa ICU kapag nandyan sina Tito at Tita. Buti na nga lang at napakiusapan nina Liam at Carlsberg ‘yung mga nurse na kapag wala sila Tita, pwede akong pumasok.
Malaki ang galit sa akin ng mga magulang ni Misty. Ako ang sinisisi nila kung bakit sya nasagasaan. Oo, tanggap ko na ako ang may kasalanan at hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko ang ginawa kong paghabol sa kanya. Pero sa tuwing sinisisi ko ang sarili ko, hindi mawala ang galit ko kay Andrei.
Sya talaga ang may kasalanan ng lahat. Dahil sa kanya kaya tumakas si Misty. Kung hindi nya marahil nilason ang utak ni Misty para sumama sa kanya, malamang hindi sya tatakas at hindi mangyayari sa kanya ito. Maayos na kami ni Misty e. Ikakasal na kami pero anong ginawa nung lecheng lalakeng ‘yun? Balak nya pa ilayo sa akin. Nakakagago lang.
Tapos ngayong naaksidente si Misty dahil sa kagagawan nya, asan sya ngayon? Tang-ina nya!
“Master, wala na sila.” Naagaw ni Carlsberg ang atensyon ko. Patakbo syang lumapit sa akin nang ibalita nya ang pinakamagandang balita na natanggap ko ngayong araw.
“Sige, bantayan mo baka bumalik ulit sila.” Bilin ko sa kanya bago nagmadaling pumasok sa kwarto ni Misty.
Gusto kong sapakin si Andrei sa tuwing nakikita ko si Misty na nakaratay sa hospital bed. Dapat si Andrei ang nakaratay dyan at hindi si Misty e.
“Misty … ” Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Misty. “Gumising ka na oh? Ang tagal mo ng nakahiga dyan. Miss na miss na kita. Gumising ka na. Ikakasal pa tayo di ba?” Ayoko sanang umiyak ngayon dahil araw-araw na lang akong umiiyak kay Misty pero hindi ko kaya. Sa tuwing nababanggit ko ang kasal namin ni Misty, puro panghihinayang ang nararamdaman ko. Dapat kasal na kami ni Misty ngayon. Dapat pinagbubuntis nya na ang unang anak namin. Dapat masaya na kaming nagsasama ngayon pero lahat ng ‘yun, malabo ng mangyari.
At dahil kay Andrei ‘yun.
Simula pa lang, si Andrei na talaga ang panggulo sa buhay ko. Pinatay nila ang nanay ko and now, si Misty naman ang papatayin nila? Lahat na lang ba ng mahalaga sa akin, kukunin nila? Kung gusto nya, kunin nya si Mama Andrea pero wag na wag nyang kukunin si Misty sa akin.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.