OPERATION E- Babalik

304 6 2
                                    

Author's Note:

Medyo sabaw sya. Actually, hindi sya medyo sabaw. Sabaw talaga sya. Sa bagay, palagi namang sabaw kaya alam kong nasanay na kayo sa sabaw kong update. Hehehe~ Sana e makapag-update ako ulit bukas. Kung hindi bukas, sa friday. 

Miss nyo na ba si Andrei? Ako, hindi pa. Sa next chapter nyo na lang sya hanapin. HEHEHE~ 

_____________________________________________________________________________

OPERATION E- Babalik

Misty’s POV

“Mommy, I want spaghetti!” Demand ni Lenard sa akin kasabay ng paghila nya sa akin papasok sa isang fast food chain.

Natatawa na lang ako samantalang si Leander naman ay nailing habang tinatawanan kami ni Lenard.

I’m enjoying this kind of experience. Ilang buwan na naming naadopt si Lenard at katatapos lang ng pag-aasikaso ng papeles nya. Legal na syang anak namin ni Leander.Nagkaroon pa nga ng problema dahil hindi naman kami kasal ni Leander kaya hindi alam kung kaninong surname ang gagamitin pero we decided na surname ni Leander ang gamitin para kapag kinasal kami, wala ng problema.

Noong una, medyo awkward pa sa amin si Lenard at laging hinahanap si Mildred pero kalaunan, nakalimutan na nya si Mildred at natanggap na nya kami bilang bago nyang parents.

Palagi nang umuuwi ng maaga si Leander para laruin si Lenard. Feel na feel nya ang pagiging Daddy nya and swear, natutuwa ako sa kanya.

Inorderan kami ni Leander ng pagkain namin samantalang kami ni Lenard, nakaupo at naglalaro ng candy crush sa tablet while waiting for Leander.

“Mommy, Lenard hungry.” Reklamo ulit ni Lenard sa akin sabay hawak sa tiyan nya.

Sinulyapan ko si Leander at sakto, palapit na sya sa amin hawak ang inorder nyang food para sa amin.

Tinuro ko si Leander kay Lenard kaya ang ginawa ng bata, agad nyang binitawan ang tablet at tumakbo papalapit kay Leander. Gutom na nga.

“Just wait, baby. Mommy will feed you.” Rinig kong sabi ni Leander nang makarating sila sa table namin. Sinasaway nya kasi si Lenard na gustong-gusto nang kunin ang spaghetti sa kanya.

Kinuha ko naman si Lenard para di na mahirapan si Leander at pinakain na rin afterwards.

“Babe, oh.” Sinubuan ako ni Leander habang pinapakain ko si Lenard. Hindi kasi ako makakain dahil ako ang nagpapakain kay Lenard.

Ngumiti ako at tinanggap ang inaalok nya.  Napayuko ako nang ngumisi sya sa akin. Walangyang Leander ‘to! Alam kung kinikilig ako.

Natawa sya sa inakto ko kaya sinipa ko ang paa nya sa ibaba ng mesa.

“Hey!” Saway nya sa akin pero natatawa pa rin sya.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan sya ng masama pero ang loko, tinawanan lang ako. How rude.

Natigil sya sa pagtawa nang biglang tumunog ang cellphone nya. Tumingin sya sa akin bago kunin ang phone.

“Sino?” Tanong ko.

“Si Tee. Himala! May load ang ungas.” Natatawang sabi ni Leander. Napakakuripot kasi ni Tee sa lahat ng bagay kaya bihira lang ‘yun may load. At isa pa, overseas ang tinatawagan nya. Mahal ‘yun. Himala nga!

Natawa kami pareho ni Leander dahil marahil pareho kami ng iniisip. Sinagot nya ang tawag samantalang itinuloy ko na lang ang pagpapakain kay Lenard.

“Pre, long time no talk. Hahaha.” Bungad ni Leander sa kabilang linya. Parang baliw talaga ‘to. Sa bagay si Liam ang palagi naming nakakausap at bihira lang namin makausap si Tee.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon