OPERATION I- Ayoko na

307 9 13
                                    

Author's Note:

Nakita ko na putol pala 'yung last update ko. Sorry kanina ko lang napansin kaya pinost ko ulit yung karugtong. 

Salamat sa pagbabasa :D

_____________________________________________________________________________

OPERATION I- Ayoko na

Misty’s POV

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Nakayuko lang ako pero ramdam ko ang pagtitig ni Andrei sa akin. Wala pa si Leander ngayon kaya mas naiilang ako.

“Misty, nakilala mo na ba ang anak ko?” Panimula ni Tita Andrea ng usapan. Nakaupo sya sa wheelchair na katabi ni Andrei.

Napatingin ako kay Andrei. Ngumisi sya nang magtama ang paningin namin kaya agad kong inilipat ito kay Tita Andrea.

“O-opo.” Napakagat ako ng labi. Nakoconscious ako sa paraan ng pagtitig ni Andrei. Bakit ba sya ganyang makatitig?

“That’s great! Andrei, sya ang sinasabi kong girlfriend ni Leander. Maganda sya, hindi ba?”

Napapikit ako ng mariin. Feeling ko kinakamatis na ang mukha ko sa sobrang pula. Bakit naman kasi ganyan makatannong si Tita Andrea? Naiilang na talaga ako.

“Sobra.” Sagot nya.

Mas lalong nag-init ang mukha ko. Aish.

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti syang pinagmamasdan ang namumula kong mukha. Mukhang enjoy na enjoy sya sa nakikita nya. Aish. Nakakainis ka, Misty! Bakit ka namumula? Kinikilig ka ba?

“Ganyan din kaganda ‘yung girlfriend ko dati, Ma. Kaya lang iniwan ako. Sumama sa ibang lalake. Tss.” Dagdag pa nya sabay tingin ulit sa akin.

“Really? Poor girl. She doesn’t know what she had lost.” Komento ni Tita Andrea sa kwento ng anak. Tinapik pa nya ang balikat ng anak na akala mo sya ang aping-api.

Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy nya o isa sa mga kalandian nya noong nakita ko sila sa bar few years ago. Pero kung ako ang tinutukoy nya, aba! Kung magsalita sya akala mo wala syang ginawang masama. Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari e. Naaksidente ako at hindi ko kasalanan ‘yun. Kung marunong lang syang maghintay, hindi naman kami mauuwi sa ganito e.

“But don’t worry. I’ll make her mine again. Alam ko namang mahal nya pa ako e. Di ba, Mystery?” Baling nya sa akin kaya napatingin sa akin si Tita Andrea.

“H-hindi ko alam. H-hindi ko naman kilala ang ex mo.” Sabi ko na lang at nagsimula na lang kumain. Fuck you ka Andrei! Ang kapal ng mukha mo! Kainis!!!

“I doubt it.” Sagot sa akin ni Andrei.

Sinamaan ko sya ng tingin dahil feeling ko nakakahalata na si Tita Andrea pero nagkibit-balikat lang sya. Ugh.

Hindi naman na umimik si Tita Andrea at nagsimula na lang din kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang maramdaman kong may gumagapang sa binti ko. Kumunot ang noo ko nang maramdamang pataas ng pataas ang paggapang nito hanggang sa umabot na ito sa mga hita ko.

Natigil ako sa pagkain at laking gulat nang makita ang paa ni Andrei na nasa gitna na ng mga hita ko. Agad kong tinanggal ang paa nya at sinamaan sya ng tingin. Tumawa lang sya na parang normal lang ang ginawa nya. How dare he? Humanda ka sa akin, Andrei.

Naunang natapos kumain si Tita Andrea dahil kaunti lang ang kinakain nya. Nagpahatid na ito sa caregiver nya sa kwarto kaya kami na lang ang natira ni Andrei sa dining table.

Nang makita kong wala ng ibang tao, agad kong inapproach si Andrei.

“Ano bang problema mo? Bakit mo ginawa ‘yun?” Inis kong tanong sa kanya pero tumayo lang sya at iniwan ako sa dining table.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon