OPERATION 126- More Serious

342 8 31
                                    

Author's Note :

Nakikidalamhati rin ako sa crush kong si Finn. Hahaha~

_____________________________________________________________________________

OPERATION 126- More Serious

Jesse’s POV

“Drei … kalma lang uy!” Inawat ko si Andrei sa pamamato ng mga gamit namin sa loob ng kwarto. Kanina pa kasi ito nagwawala simula nang pumasok sya rito.

Ano na naman ba kasing nangyari sa isang ‘to?

“FUUUUCK!!!” Tinulak nya ako at mabilis na kinuha ang DVD Player namin at malakas na binato ito.

Tangena! Bagong labas lang ‘yun e.

“Andrei wala na tayong gamit …” Lumong-lumo kong sabi.

Walang-wala na kasi talaga. Kama na lang at mga closet namin ang hindi nya nagagalaw. Ultimo mga lampshade naibato na nya. Ilang oras na kaya syang ganyan. Tinago ko nga ang laptop ko dahil marami files dun ang hindi ko pa nasesave. Baka maisipan pa ni Andrei na ibato ‘yun.

“DAMN IT!” Padabog nyang kinuha ang wallet nya sa bulsa nya at tinapon sa harap ko. “Bumili ka.” Sabi nya sabay talikod sa akin. Sinipa nya ang paanan ng kama nya at sumalampak doon.

“AAAAAAAAAAAAAARGH!!!” Sinabunutan nya ang sarili at pinagsisipa ang mga nakakalat na gamit sa kama nya.

Napatingin na lang ako kay Finn na namutla matapos makita ang goldfish nyang naghihingalo. Hinagis rin kasi ni Andrei ang aquarium ni Finn e.

“Jesse … patay na si Goldie pati si Fishy.” Sabi nya habang pinapakita ang hawak nyang isda.

“Condolences, Finn.” Sabi ko na lang sabay tapik sa balikat nya. Alam ko kasing nagdadalamhati si Finn. Mahal na mahal nya ang mga alaga nya e. Obvious naman di ba?

Tumango naman sya at nag-emo sa labas ng kwarto.

Tsk.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto namin. Isa lang ang masasabi ko.

DISASTER.

Bakit ba kasi nagkakaganito si Andrei? Parang gago lang kasi e. Pati ako nadadamay. Paano tinapon ni Andrei ‘yung facial wash ko. Paano na ako nito?

Misty’s POV

“Misty …” Tawag sa akin ni Jessica.

Lumingon ako sa kanya at nakitang kasama nya si Jesse na problemadong-problemado.

Iniwan ko muna ang ginagawa kong assignment at nilapitan sila.

“Hi Jesse!” Ngumiti ako ng matamis.

Gumanti sya ng pilit na ngiti at agad akong hinawakan sa balikat. “Misty, tulungan mo ako.”

Napatingin naman ako kay Jessica. Umiling sya na parang sinasabing wala syang alam.

“Jesse … ano bang problema mo?”

Napahawak sya sa batok nya at tumawa ng alanganin. “Peram ng facial wash mo.”

Napairap ako sa problema nya. I thought napakalaki ng problema nya ‘yun pala facial wash lang.

“Okay lang ba sa’yo ‘yung gamit ko? Pambabae ‘yun e.” Alangan kong sabi.

“Oo naman. Okay lang ‘yun noh?! Isa pa, kutis babae naman ako kaya okay na okay ‘yun sa balat ko.”

Natawa si Jessica sa sinabi ng kuya nya. Ang arte ni Jesse sa katawan pansin ko. Daig pa ako sa kaartehan e.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon