OPERATION 104- Revenge

490 9 5
                                    

Liam and Tee sleeping on the couch while nagbabantay kay Leander. -------->

Ang sweet naman ng dalawa. 

_____________________________________________________________________________

OPERATION 104- Revenge

Misty’s POV

Ilang beses ko ng tinatawagan ang phone ni Leander pero hindi nya ito sinasagot. Ring lang ng ring. Kanina pa ako hindi mapakali. Pumunta si Leander sa Dark Moon mag-isa. Sana man lang naabutan sya ni Tee at Liam kundi, baka mapano sya.

Magdidilim na pero ni isa sa kanilang tatlo walang nagpapakita. Ano na bang nangyari?

Lalabas na sana ako ng condo para ako mismo ang maghanap kay Leander nang bigla na lang nagring ang phone ko. Nagmadali akong sagutin ito. Si Tee tumatawag.

“Hello, Tee? Si Le--”

(Misty, pumunta ka sa San Agustin Medical Hospital. Rm. 236. Bilisan mo.)

“H-ha? B-bakit? S-sinong nasa hospital?” Bigla akong kinabahan. Wag naman sanang si Lea—

(Si Leander. Malubha sya ngayon Misty. Nabug--)

O__O

Nabitawan ko ang hawak kong telepono. Si Leander naospital.

Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan si Leander sa hospital. Jusko! Malubha raw si Leander. Hindi pa naman sya mamatay di ba? Iniisip ko pa lang yun, naiiyak na ako. Hindi ko kayang mawala si Leander. I can’t. He’s my life and source of strength.

Agad akong pumasok sa Rm. 236 and I saw him.

My Leander.

He’s lying on the hospital bed … half dying.

My God!

Napatakip na lang ako ng bibig sa itsura nya. Halos hindi ko na sya makilala sa lagay nya ngayon. Ang gwapo nyang mukha ay nababalot ng pasa. Hindi lang pasa. Malalaking pasa. Sariwang-sariwa pa ang mga ito. Ang buong braso nya, puro sugat at pasa rin.

Gaano nila pinahirapan si Leander? Tao pa ba sila?

“Mishty.” Niyakap ako ni Liam. Pareho na kaming umiiyak habang nakatingin kay Leander. Niyakap ko rin sya pabalik.

“Sinong may gawa kay Leander nito?” Tanong ko kay Liam. Pinunasan ko ang luha ko at lumapit kay Leander. He look so hurt. Halos patayin na sya ng gumawa sa kanya nito.

“Hindi kami shigurado pero malakash ang kutob namin na Dark Moon ang may kagagawan nito. Natagpuan namin sha na walang malay sha teritoryo ng Dark Moon. Ganyan na ang itshura nya.”

Dark Moon.

Sila pala ang may kagagawan nito kay Leander. Hindi na sila nakuntento sa pananabotahe ng transaksyon ng Red Knights pati si Leander ginalaw pa nila.

Ano ba ang gusto nila?

“Tee, just help me with this one. Last na ‘to.” Sabi ko kay Tee.

Nasa loob pa rin kami ng kwarto ni Leander. Limang araw ng hindi gumigising si Leander. Masyado daw kasing fatal ang injury ni Leander kaya matagal raw ang recovery nya.

“Misty, alam mo namang ayaw ni Leander di ba? Kaya nga sya pumunta sa Dark Moon para ayusin ang problema at nang hindi ka na mangialam. Tingnan mo ang nangyari.”

“Tee, hindi ko palalampasin ang ginawa nila kay Leander. Nakikita mo ba kung anong itsura nya ngayon?” Tinuro ko si Leander na kasalukuyang binubuhay lang ng aparatong nakakabit sa katawan nya. “He almost die. Hindi ko kayang palagpasin yun Tee.” Naiiyak kong giit sa kanya.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon