OPERATION 124- Ang labo nya!

340 7 6
                                    

OPERATION 124- Ang labo nya!

Misty’s POV

Hinayaan kong hawakan ni Andrei ang kamay ko habang pababa kami ng boys’ dorm. Kahit napapaso na ako sa sobrang init ng kamay nya, pinabayaan ko na lang. Ayokong galitin si Andrei dahil baka maudlot pa ang pagpunta namin sa Eclipse. Saka masarap hawakan ang kamay ni Andrei.  Ang lambot kasi e. Feeling ko mas malambot pa ang kamay nya sa akin. Lalake ba talaga si Andrei? Si Leander malambot rin ang kamay pero hindi kasing lambot ng kamay ni Andrei.

Nang nakalabas na kami ng dorm, binitawan nya ang kamay ko at inakbayan ako.

“Wife …” Bulong nya sa akin kasabay ng pagbigat ng kamay nya sa balikat ko.

Hindi ko sya pinansin dahil magrereklamo na naman yan na masama ang pakiramdam nya. Kanina pa sya reklamo ng reklamo pero hiindi ko sya pinapansin dahil excited akong makarating sa Eclipse. Gusto ko kasi malaman kung anong itsura ng Headquarters nila. Atat na kasi ako magbigay ng info kay Leander para hindi na nya ako hadlangan sa pagtulong sa kanya. Gusto ko rin kasi talaga syang matulungan. Para saan pa at girlfriend nya ako di ba?

Pero girlfriend din ako ni Andrei.

E hindi naman kami seryoso ni Andrei di ba? Baka bored lang sya kaya pinagtitripan nya ako. Girlfriend? Tsss. Wala naman syang gusto sa akin at wala rin naman akong gusto sa kanya.

Pero sabi nya noon na ang halik ay ginagawa lang sa taong gusto mo. Ang paghalik nya ba sa akin noon, indikasyon na yun na may gusto sya sa akin? Pero sinabi nya na ako raw ang humalik sa kanya? Ibig sabihin ba nun ay tinatanggi nya na may gusto sya sa akin?

Aish.  Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip.

Bahala nga sya. As if naman seryoso sya sa relationshit namin.

Nahinto ako sa pag-iisip nang tumigil sa paglalakad si Andrei. I was about to ask him kung bakit sya tumigil nang bigla na lang syang nawalan ng malay.

“Oh my God! “Sigaw ko sa sobrang gulat. “Andrei …” Tinapik-tapik ko ang pisngi nya pero hindi sya nagising.

Kinabahan ako bigla dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Buti na lang at may napadaang guard na nagraround kaya natulungan nya akong dalhin si Andrei sa ospital.

Sinugod namin sya sa Emergency Room dahil kinokombulsyon na sya. Naguilty talaga ako ng sobra-sobra dahil kanina pa reklamo ng reklamo si Andrei na masama ang pakiramdam nya pero hindi ko sya pinapansin dahil ang tanging nasa isip ko lang ay ang pagpunta sa Eclipse.

Hindi tuloy ako mapakali sa labas ng Emergency Room. Okay lang naman si Andrei di ba? Hindi naman sya mamamatay?

Kinagat-kagat ko ang kuko dahil sobrang kinakabahan ako. Hindi ko nga alam kung ilang beses na akong paikot-ikot ng lakad. Basta ang alam ko lang, matagal silang nasa loob ng Emergency Room.

Lalong nadagdagan ang kaba ko sa naisip ko. Bakit ang tagal nila sa loob? Lagnat lang naman ang meron si Andrei e. Hindi naman sya nasaksak o nabaril or something para operahan. Bakit ang tagal nila?

“Excuse me, Maam.”

Lumingon ako sa babaeng kumalabit sa akin. Nurse pala. Kagat-kagat ko pa rin ang kuko habang nakatingin sa kanya.

“Kasama po kayo ng pasyente?” Tanong nya sabay turo sa Emergency Room.

Agad akong tumango. “Oo. Kasama nya ako.”

“May ipapa-fill up lang po ako sa inyo.”

Sumunod ako sa kung saan nya ako dinala. Binigyan nya ako ng papel at pinafill-up lahat ng information about kay Andrei. Ibinigay ko  sa nurse ang papel matapos kong itong fill-up-an.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon