~*~
CHAPTER 3: JENJEN x JEJE~*~
JOHN.Habang nagla-lakad kami nila Joaquin, agad namang agaw pansin ang pagku-kumpulan sa bandang dulo. Ano kayang meron? Pag-punta ko doon, may babaeng naka-handusay. Ay tanga, bakit nila tini-tigan lang?
"Pre, salo!" binato ko yung bag ko kay Grae at sinabi 'kong "Makiki-raan." at noong nasa harapan ko na yung babae, binuhat ko siya. Magaan siya kaya madali ko siyang itinakbo sa office, buset na clinic 'yan! Sarado, nakaka-inis! Sa office ko siya itinakbo, office ng mga student council. Doon lahat naka-book yung information ng mga students.
Pag-punta ko doon, tinignan ko yung ID nitong babae.
Jenny Alcuran, IX - Zechariah
Ibig sabihin, classmate ko siya!
Sabi naman 'nung babae, bestfriend niya daw 'to. Sinabi ko na samahan niya ako sa bahay nila Jen kasi alam naman niya, kaso lang daw hindi siya pwedeng umalis sa office.
Shit talaga! Sina-ulo ko nalang yung address nila, at pumunta doon. Mabilis naman akong naka-saulo kasi matalino akong bata. ((weh?))
Pag-punta ko doon, tumawag ako sa bahay nila at may lumabas na babae. Mukhang mommy niya ito dahil magka-mukha sila.
"Ay jusko! Anong nangyari sa anak ko?!" tama, mommy niya ito.
"Tita, nawalan po ata ng malay. Nakita ko lang po siyang naka-handusay at pinali-libutan siya ng mga estudyante." sabi ko.
"Osya, ipanik mo muna siya sa kwarto niya. Hmm, ano 'nga pala ang pangalan mo hijo?" umaygas, HAHAHAHA.
"John po, classmate ko po si Jenny. Nakita ko lang po sa ID niya na same kami ng grade and section."
Pinanik ko na siya at inilapag sa kama niya. Mukhang pink na pink ang kwarto niya, pero may isang poster na 'di kalayuan. Ang poster naming lima, Gimme 5. Sooo, fan namin siya? Swerte naman niya, sino kaya bias niya?
Binalikan ko siya sa kama niya at tinignan ko ang mga picture frame na nasa tabi ng kama niya.
Ang isang picture frame, ay ang kanyang family. Unica hija lang pala siya, ang katabi ng picture frame na iyun ay ang dalawang bata na babae't lalaki na nagla-laro. Wait, parang kilala ko 'tong babaeng 'to? Teka lang talaga, nagpo-process pa yung utak ko.
WAIT, SIYA BA SI JENJEN? AY TANGA, OO 'NGA! Naalala ko siya, siya yung bespren ko na sabi niya babalikan niya ako. Na hanggang ngayon hina-hanap ko pa 'rin siya, kaso nandito na ulit siya. Lalabas muna ako saglit at tatanungin ko yung mommy niya, kung naalala pa niya ako.
"Hi Tita, naalala mo ba ako?" tanong ko habang naka-upo si Tita sa sala at nagba-basa ng magasin.
"Hijo, hindi kita matandaan. Matagal na ba tayong magka-kilala hijo?" sana kapag sinabi ko kay Tita, maalala niya ako.
"Tita, na-pansin ko po kasi yung picture na nasa gilid ng kama ni Jenjen--
Ikaw si Jeje, anak?" salamat sa diyos at naalala ako ni Tita.
"Yes, Tita. Ako 'nga po, ang kaisa-isang Jeje ninyo ni Jenjen." napa-ngiti naman ng malaki si Tita.
"Jeje, anak." bigla akong niyakap ni Tita "Nasaan na 'nga pala ang nanay mo? Pwede ko ba siyang ma-bisita?" tanong ni Tita.
"Nasa bahay lang siya Tita, pwedeng pwede po." sabi ko naman.
"Uhm, Tita... babalik na po ako sa kwarto ni Jenjen ha? Tita, favor lang?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Every Girls' Dream [Gimme 5]
Fanfiction"Falling in love is like falling asleep, slowly then all at once." Year Started: 2014 Date Edited/Revised: May 02, 2016 © unknownheartaches, 2014