[EGD]: Chapter 38

14 2 0
                                    

Mayora

~*~
JILLIAN ROCHE.

'Nang maka-uwi na ako sa aming bahay, wala ulit si Ate. Baka busy na naman 'yun dahil isang taon na lang ay makakapag-tapos na siya ng kaniyang kinuhang kurso na Tourism.

Hindi ako katulad ni Ate na magiging isang Flight Attendant. Hilig ko kasi sa mga pagba-basa ng libro at sa mga web series. Kaya baka ang aking maging course ay maypa-tungkol sa Cinematography.

Hmm, sounds interesting. Kaya naman, gusto ko na ulit pumasok para makapag-aral.

Hanggang ngayon, binu-bulabog ako ng isip ko sa nangyari kanina. Wala na si Hailee, hindi 'man lang ako nakapag-paalam at hindi ko 'man lang siya nakita kahit saglit.

Hindi na pumasok sa isip ko na kumain, pumasok na lamang ako sa kuwarto ko at isinarado ito.

Grabe, nakaka-pagod naman ang araw na ito. Nag-palit ako ng damit at pumasok ng banyo.

Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili.

"Ano ba 'yan, Jillian Roche?! Ang taba taba mo na, magpa-payat ka naman." sabi ko sa sarili ko, para akong baliw na nagsa-salita mag-isa dito.

Nag-hilamos ako ng mukha ko at kumuha ng bimpo para mag-punas ng basa 'kong mukha.

*Bzzt . . . Bzzt . . .

Na-rinig 'kong nag-vibrate yung cell phone ko sa table na katabi ng kama ko. Akala ko, text lang. So, pinabayaan ko at nagpa-tuloy sa pagda-dampi ng bimpo sa mukha ko.

*Bzzt . . . Bzzt . . .

Nag-vibrate ulit, kaya naman napa-tigil ako sa pagda-dampi at tumakbo papunta doon sa cell phone ko.

Henry Pogi calling...

Bakit naman kaya napa-tawag 'to? Gabi na, ah.
Hindi ako nag-dalawang isip na sagutin ang tawag niya.

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.

"Hmm, Roche! Mabuti naman at sinagot mo, akala ko naman kung ano ng nangyari sa'yo." sabi niya.

"Ah, pasensya na. Nag-hilamos kasi ako, akala ko kasi may nag-text lang. Kaya hindi ko ni-lapitan ang cell phone ko, tsaka naka-vibrate mode lang kasi. Walang ring tone." sabi ko na nahi-hiya pa.

"Ah, ganun ba? Pasensya na, akala ko kasi wal-no, okay lang." sabi ko pa at napa-tawa ng mahina.

"Ayos lang, ano ka ba." dagdag ko pa.

"Kumain ka na ba ng dinner?" tanong niya.

"Actually, hindi na ako kakain. Busog pa kasi ako, bukas nalang siguro ako kakain. Agahan." sabi ko.

"Bakit naman? Kumain ka bukas ng marami, ha. Dapat yung makaka-dalawang sandok ka ng kanin!" sabi niya na tuma-tawa. Ako naman, napa-tawa nalang 'din.

Nako, kung kasama ko 'to baka na-batukan o na-sampiga ko na 'to.

"Excuse me, nagda-diet na si Mayora. Kaya, konti lang dapat ang kina-kain niya." sabi ko.

Every Girls' Dream [Gimme 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon