[EGD]: Chapter 2

113 16 1
                                    

~*~
CHAPTER 2: HAPPY BIRTHDAY!

"Jenny! Bumaba ka na diyan para maka-kain ka na dito oh." sigaw naman nito ni mommy, ay ang ganda na ng tulog ko eh!

"Five more minutes! Ina-antok pa po ako." sabi ko.

"Baba ka o babawiin ko yung sinabi ko na pinayagan kita sa GT?" bigla akong napa-upo sa kama ko, habang kinu-kusot ko ang mga mata ko.

"Ten minutes! Maga-ayos lang po ako." at pumunta na akong banyo.

Ngayong tapos na ako, pag-bukas ko ng pintuan ko... HALA, ANDAMING RED ROSES. AY KALOKA, ANONG GINAWA NINYO SA PANANIM KO?!

Sinundan ko nalang at...

"HAPPY BIRTHDAY JENNY!" sabi nilang lahat, ay echoss. Birthday ko pala ngayon, anong date na ba? Hmm, June 06? Ay tanga, oo 'nga.

"Hi Jenny, goodmorning. Happy Birthday! Here's my gift for you." sabi ni Jillian sabay bigay ng cute na hello kitty gift wrapper.

"Hiii! Happy Birthday, Jen!" akala mo, hindi nag-kita ng isang taon eh. HAHAHA, sabi 'nga pala ni Gem.

Grabe, 14 na agad ako? Grabe siya oh!

~*~
FAST FORWARD.

OO NA! BABANGON NA AKO, BUSET 'TONG ALARM CLOCK KO. Alam ninyo yung feeling na, pasukan na naman? Kainis! Pero siguro, enjoy this school year nalang.

"Mommy, where are you na?" tanong ko pagka-labas ko ng kwarto ko.

"Anak, ikaw ba 'yan? Anong oras palang oh. Alas sinco palang, maaga pa. Masyado ka atang excited maka-kita ng gwapo." ay, grabe naman 'to. Nanay ko ba talaga 'to?

"Hindi siguro, mommy. Picture ko lang 'to, oh." agang-aga eh, HAHAHA.

"Osya, mag-ayos ka na 'dun. Aba'y tuma-takbo ang oras." srsly, mga nanay 'nga naman oh.

Well, pumasok na ulit ako ng kwarto ko at sinara ko yung pintuan. Kinuha ko yung tuwalya ko at pumasok ng banyo, tumingin ako sa salamin bago maligo.

"Ano ba naman 'yan, Jenny. Chill ka lang, walang mangyayari sayo mamaya." sabi ko sa sarili ko, hays. Kabado ako eh.

Pagka-tapos 'kong maligo, nag-bihis na ka-agad ako. Habang tina-tali ko yung necktie ko, humarap ako sa salamin. Ayos naman, hindi naman ako sigurong mukhang bruha 'no? Sinuklay ko ang buhok ko, at inayos ito. Hmm, okay lang 'yan. Simplehan lang natin.

Bumaba na ako at nag-timpla ng milo, sa kaka-madali ko, muntikan pa akong matapunan sa uniform. At kinapa ko yung bulsa ko... AY SHIT, NASAAN YUNG PHONE KO?!

Edi umakyat ulit ako sa taas. Author, hindi mo ba ako papapasukin? Grabe ka sa akin eh. Hinanap ko sa ilalim ng kama ko pero wala, teka... bakit ko hina-hanap sa ilalim ng kama eh paano mapu-punta 'yun 'dun? Bobo mo talaga kahit kailan, Jenny.

Wala sa desk ko, pero hinanap ko sa kama ko at 'yun! Natabunan lang pala ng kumot, nako! Ewan ko nalang.

I'm runnin' out of time, wala akong service. Hmm, commute lang ako. Hayaan na, sanay na ako.

Bakit parang umi-ikot yung paligid? Anyare? Okay lang 'yan, Jenny. Mawa-wala 'yan mamaya.

Sumakay na ako ng tricycle, para hindi haggard look.

Nandito na ako, at bumaba na sa tricycle.

"Kuya, heto oh."

Pagka-tapos 'nun, nahi-hilo na talaga ako. Pero sige, keri lang 'yan. Lakad lang ako ng lakad, pero bilang nag-kulay itim ang paligid ko.

~*~
AUTHOR'S NOTE.

A/N: Kamusta naman ang Chapter 2 ko? HAHAHA, hope na nagba-basa pa 'rin kayo. Sorry kung ayan lang yung na-piga ng utak ko, sorry talaga. Babawi ako sa next update, I love you all!

~ #Edited

Every Girls' Dream [Gimme 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon